RYDER was late again.
Kaso reasonable naman dahil sinamahan niya pa ang kapatid magpabakuna at hinatid ang mama niya sa airport dahil pinag-day off daw ang driver nila.
Pwede ko siyang hindi hintayin kaso marami akong dadalhin. Magastos na rin kung magtataxi ako. Hihintayin ko nalang dahil may sasakyan naman ito.
Papunta kaming Cebu Hospital dahil ngayon manganganak si mama. Nagkaproblema nga kami dahil isang beses lang pala itong nagprenatal. Akala ko ay ginagawa niya iyon dahil sinasabihan ko naman siya. Nag-oo naman ito at umaalis. Hindi niya pala sinusunod ang mga payo ko.
So, hindi rin siya nagpapaprenatal sa akin noon?
Kung alam niyo lang kung gaano kahalaga ang prenatal.
"N-nay, sorry for being late!"
"Ayos lang! Asan na ang helmet?"
"Sasakyan ang dala ko nay..."
Oo nga pala!
Lutang ka masyado, Traya.
Ambango ng kanyang sasakyan. Magkano kaya ito? Hindi ako pamilyar sa logo. Ilan kaya ang sasakyan niya?
Nanahimik nalang ako habang papunta sa ospital. Kinakabahan kasi ako para kay mama. Almost twenty years bago siya nanganak muli. Naging sexually active naman siya over the years pero alam kong mahihirapan pa rin siya. Sana ay hindi magkaroon ng complications kagaya ng dapat i-CS ito. Naku! Mas mamahal ang babayaran namin.
"D-dito na tayo..."
At dahil mahirap ang parking, naunang bumaba si Ryder para idiskarga ang mga gamit.
"Maiwan muna kita rito. Babalikan kita."
"S-saan ka magpapark?"
"Maghahanap lang ako. May kakilala kami rito pero... sige maghahanap lang ako saglit ha!"
Tumango ako. Hindi pa naman tumatawag si mama. At dahil kulang kami sa tao ay sinabihan ko siyang tawagan lang ako kung may kakaiba siyang nararamdaman.
Hindi ko na pinasama si tita dahil walang magbabantay kay Jade. Baka magkaroon pa ito ng nosocomial infection.
Nagulat ako nang makita ang mga dating kaklase sa CDU. Ang alam ko ay nag duduty si Ataska asa Manila. Malapit na pala siya kay Colt ngayon.
"Uy... congrats mga SN!"
"Hi Trie!" bati nila pabalik. "Kumusta na? Ano na ang course mo ngayon?"
"HRM sa UC."
"Oh, good luck sa journey mo!"
Mukhang nagmamadali sila kaya hindi ko na pinahaba pa ang usapan. Nakatitig lang ako hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Napapikit ako nang maamoy ang baho ng ospital.
God, I'm in love with this.
Ito talaga 'yung gusto ko eh. Pwede ko pa kayang balikan?
Nakabalik na si Ryder pagkatapos ng ilang minuto.
"Saan ka nagpark?"
Kwento niya, sa karinderya raw siya nagpark. Binayaran niya ito at may pinakain din sa mga pulubing umaaligid-gid at mga naghihintay sa labas na mukhang hindi pa raw kumakain.
"Anong room ng mama mo?"
"W-wala siyang sariling kwarto, Ryder. Ward lang. Nagtext siya na nagsisimula ng sumasakit ang tiyan niya!"
Mama, ang sabi ko tawag, hindi text. Buti nalang at nagchecheck ako ng phone. Baka ako na ang nangyayari!
Dali-dali kaming tumakbo. Nakikipagsabayan sa mga naka puting health professionals.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...