27

4 1 0
                                    

AMBILIS ng panahon.

Parang kailan lang ay tinulungan ako ni Ryder na mag transfer sa UC. Hindi naging madali sa akin ang pag-adjust lalo na't hindi ko pa rin iniiwan ang trabaho.

"Pero kung makasabi ka Traya eh parang first-time mo?" natawa ako sa sariling tanong.

Hindi mo na pala first-time eh. Bakit panay kapa rin reklamo?

"Bakit ba ipinagdidiriwang natin 'yan?" reklamo ko sabay tawa.

Gusto niyang magkita kami mamaya dahil friendship monthsary namin ngayon.

We decided that he will court me, and we call it that way.

"Syempre, it was the day we became special friends! Hahaha!"

Napairap ako. Matrip din itong si Ryder

"Anong oras ba? May klase pa ako!"

"Talaga? Nagpaklase na naman ba ang teacher mo kahit hindi niya sched?" tumatak na siguro sa utak niya ang mga rant ko.

"Oo at hanggang five 'yun."

"Ganoon ba? Sige, hindi na lang natin itutuloy pero magkikita pa rin tayo kasi ihahatid kita pauwi."

"B-bakit naman hindi na?" taka kong tanong.

"Kailangan mong magpahinga dahil may major subject ka bukas."

Oh?

"What was your plan ba?"

"Pumuntang Sugbo? Idunno."

"T-tara!"

Excited na akong sa Sugbo Mercado! Kumulo agad ang tiyan ko sa tuwa.

Nagkaroon ng emergency si Ryder dahil may pinabili ang kapatid niya. Gusto niyang siya ang maghatid nito kaya ako na mismo ang nagsabi na sa Sugbo nalang kami magkita. Baka maabutan pa kami ng intense traffic kung susunduin niya pa ako at wala na kaming mauupuan dito.

Nasa bandang alas sais na nang makarating ako sa Apas. Namamangha talaga ako sa city lights kaya sinadya kong dito dumaan para makita ko 'yung isang call center building na bukas ang lahat ng lights sa loob.

'Magkano kaya ang kuryente nila?' tanong ko sa isipan. Haha.

Pagkatapos noon ay dumaan ako sa building na may malaking sign "Padayon," then it reminded me to keep walking for my dreams.

Hindi porket wala pa sa ating mga kamay ang pangarap ay hindi na maabot 'yun. Nilalakad lang kasi natin dahil hindi naman tayo nagmamadali.

Kaya ang pagiging irreg at working student? Sus, makakapagtapos ka rin. Ayos lang kahit matagalan.

Magdadalawang oras na akong naghihintay at wala pa rin si Ryder. Natagalan ito masyado. Nalunod siguro sa traffic.

Hindi siya nagrereply o nagtext man pero siguradong papunta na ito rito. Iniisip niya bang magagalit ako? Tsk. Siguro dati, oo!

Ngayon, nauunawaan ko naman siya na mayroon siyang responsibilidad sa pamilya.

Pero sa totoo lang ay nahihiya na ako sa may-ari ng resto na napili ko. Kanina pa ako tinatanong kung mag-oorder dahil marami ring pumipila na gustong kumain. At dahil baka malugi sila, tumayo nalang muna ako para makaupo ang iba.

Sakto namang dumating si Ryder na nagmamadali kaso nakaupo na ang bagong magjowa.

"Saan mo gustong kumain? Sorry ha!" hinihingal ito. Hindi pa natanggal ang gloves at pawis na pawis ang noo. Idadag mo pa ang bag niya sa bewang at lavender jacket niyang suot.

"Urgello, kol," biro ko.

"Ha?"

"Bente, kol," sabay sampal ng mahina sa kanya.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon