44

5 1 0
                                    

KINUMPLETO namin ni Ryder ang Novena.

Kinukumpleto niya pala talaga simula pa noon. Natutuwa ang puso ko kahit papaano.

"Bili muna ako ng rosas, okay lang ba?"

Kaya ng nakasanayan, binibili niya ang rosas ng mga nagbebenta sa gilid-gilid pagkatapos ay ibinibigay sa amin—sa akin, sa mama ko, sa mama niya, at, kapatid niya.

Nagtirik kami ng kandila bago umalis. Dumaan kami sa Magellan's Cross. Namimiss ko tuloy si lola dahil dito rin siya dumadaan pauwi.

Tinawag niya ako, "Traya!"

"Hmm?"

Umiling ito, "wala"

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Halika. Saan mo gustong kumain?"

"Hmm, kahit saan. Yayain kaya natin si Ataska?"

"Busy siya. Huwag na."

"Baka free siya ngayon. Saglit, itetext ko muna—"

"Traya—"

Hindi niya na ako mapigilan nang may mabasa akong mensahe.

"Oh?" nasabi ko talaga.

Tumulo ang mga luha ko bigla.

What I've heard was detrimental to my mental health.

Ilang minuto na akong umiyak ng mapagtanto ko na nasa harapan ko nga pala si Ryder—tulalang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung naaawa ba siya o mayroong nararamdaman.

"Sorry, Traya."

"B-bakit ka nagsosorry? Wala kang kasalanan. Ako dapat ang humingi ng tawad."

Sorry if I cried. Hindi ko mapigilan eh...

Matagal na naman akong nag move on pero dahil sa nalaman ko ay para akong trinaydoran. Wala naman na akong pake kung may ibang babae na bago si Wren eh. Wala akong reaksyon dati. Saksi ang mundo n'yan. Siguro ay hindi ko lang tanggap na magkarelasyon sila ni Ataska ngayon.

Pero bakit nga ba ako umiiyak? Ano naman kung silang dalawa ay nagmamahalan?

Stop crying, Traya!

I hated myself today.

"S-sorry, nadala lang ako sa emosyon. Wala naman akong pake eh. Iyong hindi ko tanggap ay ang best friend ko pa talaga," pag-amin ko.

Ayokong maging unfair kay Ryder. Naging okay na naman ako eh? Bakit nakaramdam ako ng sakit ulit? Akala ko ba ay wala na?

"I'm fine. I truly understand you nay."

He chose to understand me, even if he doesn't understand me anymore.

"May gusto ka ba ngayon? Ibibigay ko kahit ano."

Sa kabila ng problema, namangha ako sa sinabi niya. Kahit bilhan niya raw ako ng gusto ko. Seryoso ba siya?

"Dalawang ramen para sa amin, ate."

Dinala niya ako sa pamilyar na lugar. Dito kami kumain dati kung saan naubos ang baon ko.

Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak ngayon. Nagtataka siguro ang mga tao rito. Baka iniisip nilang pinaiyak ako ni Ryder.

"Gusto mo ba ng spicy and with egg?"

Tumango lang ako.

"Gusto mo bang pumunta sa bukid o dagat?"

"I'm fine naman..." sabi ko pero humihikbi pa rin.

Bakit kasi binuksan ko pa ang mensahe nila Mama Fe.

Si Ryder na mismo ang nagbukas ng chopsticks para sa akin.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon