TUMAWAG si Ryder na nasa tulay na raw siya naghihintay kasama si Nak.
Alam kong kulang ako sa tulog pero naaalala ko pa naman ang nangyayari. Anong mayroon?
"Saan ka pupunta?! Makinig ka sa akin! Hindi ka lalabas dahil matigas ang ulo mo!"
Hinarangan ako ni tito. Pupuntahan ko sana si Ryder sa labas at katatapos ko lang maligo.
"T-tabi, tito!" nang maasar ako.
"Hindi ka sabi aalis!"
"Wala akong maaga na pasok" imbes na 'wala akong pasok' ang nasabi ko kagabi.
Pinagalitan niya ako dahil bandang ala una na nakauwi. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagagalit dahil napuyat daw ito kahihintay sa akin. Sino namang nagsabi na hintayin niya ako? Eh may susi naman ako?
"Akin na ang mga susi mo!"
"Tito!" umangal ako. "Papasok na ako, pwedeng tumabi ka muna?!"
Nalasahan ko ang basang buhok nang sampalin niya ako. Narinig kong tinawag ni mama ang pangalan niya at agad nilayo si tito sa akin.
"Tama na Jose, high ka lang!"
Nagkatitigan kami at natakot agad ako sa itsura niya. Ito ang unang beses na makakakita ako ng ganyan na akala ko ay sa libro ko lang makikita. Bumalik ang mga alaala sa tuwing leksyon namin. K-kaya ba ganoon ang kinikilos nito?
Kailangan kong mag-ingat!
"Iyang anak mo, gumagaya na sa'yo na matagal umuwi!"
"Sinabi ko naman sayong may susi si Traya!"
"Kukunin ko lahat ng iyon!"
"Bakit, Jose?! M-maliit lang naman ang bahay, maririnig natin kung sisigaw siya!"
Sasagot pa sana ako pero dumating ang mga kaibigan ni tito na may dalang alak. Mukhang dito sila tatambay. Alas dyes palang ng umaga o? Buti nalang at wala si Jade, dinala ni tita.
Umalis kaagad ako dahil hindi na gustong manatili pa roon. Paano ako uuwi mamaya?
Sinusuklay ko ang buhok habang naglakad papunta kay Ryder.
"Good morning! Hahaha!"
Eto na naman tayo sa biglang pagtawa niya.
"Bakit ka nandito? At sa tulay pa talaga?" taas kilay kong tanong.
Ngumiti lang ito kaunti. "Baka pagchismisan ka!"
"Ano?"
"Wala, para maglakad ka. Para naman makapag-exercise ka."
"Wow ha!"
"Nursing student ka pero sedentary lifestyle."
Ouch...
"Diba may date tayo?"
"Huh?"
Wala akong maalala kaagad. "Lasing ako kagabi."
Teka... ah 'yun? Ang sabi gagala lang?
"Sige, lasing ka nga pala. You don't owe me anything because you were drunk last night," sabay kasa ng motor at yayayain daw sana akong kumain ng barbecue sa Carbon Market.
Nevertheless, sumama pa rin ako.
Sinasabayan ng Airsupply songs ang buong byahe. 'All Out Of Love' lang ang pamilyar kong kanta kaya napahum din ako.
"Alam mo pala ang kanta?"
Napanganga ako. "Ha?"
"Haha! May mic ang helmet mo!"
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...