NAKATULOG man ako ng ilang oras, hindi pa rin nawala ang pagod ko.
Magkikita kami ni Wren ngayon at iyon ang nag-udyok sa akin para bumangon.
Nagsuot ako ng magandang damit at binuksan ang bagong perfume. Nilagyan ko rin ang sarili ng kwintas na bigay ni lola. Takot akong manakaw ito pero hindi naman siguro no? Isa itong cross pendant na mayroong diamonds sa gitna. This was her senior high school graduation gift.
Nadatnan ko si Tito Jose na nagwawalis pagkalabas ng pintuan.
"Bango mo Traya ah!!"
"Tito, pakisabi kay mama na ay lakad ako."
"Saan ka pupunta? May date kaba? Aba ipakilala mo 'yan sakin!"
"Traya, sino ang kasama mo?"
Ang inakala kong umalis si mama, hindi pala totoo. The reason I informed tito that I'd be going out.
"Uuwi ako bago mag alas syete, ma."
Sana tumutupad na ngayon si Wren sa oras. Kung hindi siya late dumatiing, gusto niya namang mag-extend kami. Minsan, alas dose na akong nakauwi at jetlag sa klase o exam bukas. Wala akong magawa dahil hindi iyon nakikinig sa excuse. Nagagalit kapag hindi nasunod wiithout hearing my explanation first.
"S-sige, ingat! Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang mukha non."
Who was she referring to? She had already met Wren. Baka si Ryder? Nakita niya nga palang nag-angkas ako sa kanyang motor.
Hindi ko na sinabing si Wren ang kasama ko ngayon.
"Alis na ako nay—este ma!"
Dali-dali akong umalis. Skirt ang suot ko sa ilalim ng jacket na nakapulupot sa bewang kaya kampante akong hindi mababastos. Sa lugar namin, nakakatakot maging babae. Dito kasi madalas nakatira ang sinasabi nilang r*pists at magnanakaw. Hindi mo rin sila pwedeng isumbong dahil baka patayin ka nila.
Nakasanayan ko nang maglakad sa gitna ng daan habang maraming lasing ang nagtitipon. Sa gilid nila ay nakaposisyon ang asawa habang hinihintay silang umuwi—takot mapagalitan dahil "babae" sila. Sa isang banda naman ay nakikita mo na ang asawa mismo ang nagbibigay ng inumin sa kanilang baso. Tila alipin nila ito; inuutusan pang bumili ng bagong bote.
Napapailing ako palagi sa nasasaksihan.
This everyday scenario reminds me that women were not born to serve men.
May nakita akong pamilyar na mukha. Kapatid ni Kuya Raziel ngunit hindi ko na pinansin dahil hindi naman kami close. Nagulat lang talaga ako dahil pamilyar ang kanyang mukha na sa picture ko lang nakita. Pinapagalitan nito ang mga nakatambay sa gitna ng daan. Mabuti naman at pinasok ang lugar na ito ng kapulisan. Totoong nakakaistorbo sila tapos nagkakaraoke pa kahit hatinggabi na. Tsk.
"Kababaeng tao, ganyan ang suot," narinig ko sa isang babae.
My brown skirt was not so short, and I was wearing black boots and yellow long sleeves. It doesn't even share a lot of skin.
Nirerespeto ko palagi ang matatanda ngunit sila mismo ang gumagawa ng paraan para hindi respetuhin.
If they're concerned and just want us to be conservative like them, they can approach us in a nice way. As a young lady, I would always appreciate older people's advice because I knew it would help me a lot.
Sabi nga nila, papunta pa tayo, pabalik na sila.
Bumalik ang alaala ko na nag-apply nga pala ako ng trabaho at ngayon ang resulta kung hindi tumawag ang HR ngayon. Sinabi niyang hindi nila ako tinanggap. Baka hindi ko makayanan ang trabaho ayon sa kanila dahil babae ako.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...