8

7 1 0
                                    

PINATAYO ako ng professor.

"P-please repeat the question, ma'am," nanginginig kong sagot.

"Just forget my question, Miss Ferres. It's obvious that you're struggling to find an answer to my question!"

"Miss Ferres and other students, iyan ang ang sinasabi ko sa inyo! Paano kayo makakarelate sa higher topics kung basic lang ay hindi niyo masagot?"

Nanlumo ako sa sarili. Why can't I remember the basic concepts that were taught during my younger years?

"I expected a lot from you since you passed here in CDU! This is CDU! We've always ranked 1 in the top performing school in board exam-based exams for years already!"

"So, ang masasabi ko lang ay nagtatanggal kami ng mga estudyante na hindi kaya ang standards namin! Magdodoktor pa naman sa inyo ang iba!"

Pinipigilan ko ang luha ko. Not answering a question from my professors means a failed future for me.

Parang napakaimpossible na tuloy maabot ng pangarap. First year pa ako't mahirap na. Paano nalang sa mga susunod na taon? Mabuti nalang at pinaupo na ako. Nagpatuloy nalang ito sa pagtuturo. Natataranta talaga ako sa tuwing nasa gitna ako ng attention. Paano nalang kaya kung nasa ospital kana, Traya?

Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa library. Malakas ang Wi-Fi doon kaya doon ako tumambay. Marami akong rereplyan na possible buyers.

May kasama bang video kung bibili?

Bibili po ba kayo sir o hindi? Pasend nalang ang payment kapag interested.

Hindi ko na 'yun pinatulan tutal marami pa naman akong rereplyan.

Boo me belly fog kain.

Ayusin mo ang typings mo Ryder, please.

Opo, madame. Nasa Feresco ako naglulunch kami ng kapatid ko.

Agad kong nabitawan ang cellphone sa lamesa. So, pumupunta siya sa Feresco para maglunch lang?

Sosyalan.

Babae raw ang kapatid nito. Ilang taon na kaya at anong year na? Pero ayaw kong magtanong.

Susunduin kita mamaya. Colon tayo.

"No, don't wait for me. Please tell the driver shobe that don't wait for me anymore. Magmomotor lang ako pauwi," sabi ni Ryder sa tawag.

"How's shobe, Ryder? Okay lang ba sa kanya ang CDU?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Dito nag-aaral sa CDU ang kapatid ni Ryder?!

"Ayos lang naman siya. Hindi na masyadong natatakot sa mga tao."

"Bago ang seat cover mo, Der? Kapapalit mo lang ha?" tanong ni Ataska.

"Mabilis naman talagang magpalit ang mga lalaki," kumento ko.

Tumawa ng malakas si Ryder, "hindi ko alam kung bakit ganyan ang sinasabi mo eh loyal naman ako?"

Umirap ako. Mga lalaking feeling loyal.

"Ambitter mo dzae. Tara, Colon na?"

Wala si Colt? Nag-away pa rin ba sila?

"Hays. Mapride talaga itong si Colt!"

"Hayaan mo muna. Nasa Australia siya nagpapalamig ng ulo. Ba't mo naman kasi nirereplyan 'yung basketball player raw—" tumigil bigla ang naiinip na Ryder at tumingin sa akin, "tara na nga!"

Nagsuggest akong magtaxi nalang kami ni Ataska dahil hindi naman kami kasya sa kanyang motor. Habang sumasakay, nasa likuran namin si Ryder, at rinig na rinig ko ang tunog ng kanyang motor. Astig.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon