NAGSISI ako ng ginastos ang kaunting ipon para sa milktea at ramen. Milktea lang sana 'yun pero masarap ipares sa nangangamoy na ramen!
Gusto akong ilibre ni Ryder pero nag-insist ako na ako ang magbabayad sa akin.
Pumasok ako sa kwarto ni mama nang hindi kumakatok. My heart sank when I saw her calculating money. She looks so stressed.
Hindi niya yata ako napansin ng ilagay ang natuping labada. Lumabas ako na naguguilty sa sarili. Alam ko namang deserve kong gumastos kagaya ng masasarap na pagkain pero... basta!
"Traya, kain kana ng paborito mo," si Tito Jose referring the lechon manok.
Napilitan akong kumain ng marami dahil nagyaya si Ataska na lumabas. Hindi rin ako makapaghindi dahil magaling itong manggaslight. Ayon sa kanya, samahan ko siyang magrelax para sa nalalapit na CEFASI.
"Aalis ka?" napansin niya siguro ang basa kong buhok na hindi pa nasusuklay.
"Hindi naman daw aalis si Tiffany pero kung aalis, ako na magbantay sa bata."
Napatingin ako sa kanya at tumango. Napapagod din akong bantayan ang bata. Ewan, basta nakakapagod. Ganito rin ang nararamdaman ko noon sa tuwing hindi nakakalabas kung pinapabantayan sa akin si lola.
Hindi naman sa ayaw ko silang bantayan. May pagkakataon lang talaga na tinatamad ako at gusto kong lumabas ng bahay.
Sinundo ako ng driver nina Ataska sa may tula. Nasa Feresco ito at nagpapasalon. She is really invested for the pageant. This is also helpful in building her career since it is an honor to be part of CEFASI. Simula pa noon, tinatangkilik na ito ng cebuanos.
Most of the known Cebuano beauty queens used to join CEFASI in their junior years before joining national pageants. They were discovered here before entering the pageant and modeling worlds.
Bukod din sa CEFASI, kadalasan sa kanila ay mga naging Sinulog Festival Queen. Sinulog is one of the grandest festivals in the Philippines, and even foreigners from different parts of the world come to celebrate with us.
Ang isang wing ng mall ay exlusive sa miyembro lamang ng Feresco Elite Club kaya pinahiram niya muna sa akin ang card ng kanyang daddy para makapasok ako. Pagkadating ko sa salon, nagphotoshoot ang mag-ina. May nagvivideo rin para sa kanyang vlog. Nandito rin pala ang editor niya. Ang kanyang crew.
"Thank you for watching my daughter's vlog! See you soon!" narinig kong sabi ni mommy niya bago ito umalis.
Ngumiti kami sa isa't isa. I am not close to her mom, but she knows me. Hindi pa kami nagsama ngunit mabait ito sa akin dahil nagbibigay rin ng regalo bilang kilalang kaibigan ni Ataska.
"Hi dzae!" sabay beso sa akin. Ambango niya!
"Tapusin ko lang ang nails ko ah? 30 minutes lang naman. You can order anything, and don't worry I'll pay for it!"
Umiling ako at sinabing busog. Ayoko nang gumastos.
Habang nakaupo, nilibang ko ang sariling magreply sa texts ni Ryder. Kanina pa siya nagtatanong. Parang nag-eensayo tuloy ako sa isang beauty pageant.
What's the first thing you will do if you happen to win the lottery?
'Build a house and spoil my family' I typed filled with hope.
Do you like reading? What are your favorite books?
Ambilis ng kanyang tanong. Copy paste lang siguro 'to.
Yes, especially books from Nuclei. Nursing books.
Sa kanyang reply, ibinahagi niya sa aking nagbabasa rin siya ng libro tungkol sa sarili at sa pera. His favorite nowadays is entitled 'Rich Dad, Poor Dad'. If he's into money, I wonder why he didn't pursue a business course. It's an advantage to him since they're old rich Chinese. O baka gusto niya talagang maging seaman tapos gusto niya lang malaman ang tamang paggamit sa pera.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...