20

6 1 0
                                    

NASA colon na naman kami.

"Bakit mo pa hinahanap, dzae? Ang sabi mo, wala nang laman 'yun?"

"M-mayroon..." kaso 'di ako sigurado hanggang sa napagtanto kong polaroid picture pala namin ng ex ko.

"Importante ba?!"

"H-hindi na..."

"Wala naman kayang pera 'yun?!"

"Kaya nga, hayaan na natin," nanahimik na ako.

Totoo nga, bakit ko pa hinahanap ang hindi para sa akin?

Baka nasadya 'yung manakaw para makalimutan ko na dahil hindi na ako babalik sa ganoong sitwasyon. Grabe ang buhay. Ni hindi ko nga maalala na may nakalagay pa pala na polaroid pic sa loob kung hindi nanakaw.

"Colt, huwag na tayong kumain sa NUSTAR mamaya. Marami pa akong gagawin!"

"Ilang beses ka nang tumanggi na makipagdate. Minsan na nga lang akong umuwi ng Cebu," nagpapacute ito sa jowa.

"H-hindi naman sa ganoon. Marami talaga kaming gagawin, diba Traya?!"

"Oo, tapos magiging underpaid lang," walang gana kong sagot. Naalala kong tinalakay namin ang possible income ng nurses sa Pinas.

"Okay ka lang? Kumusta ang studies mo? Baka makatulong ako sa minor subs mo," singgit ni Ryder na katabi kong kumakain ng kwek-kwek.

Hindi ko siya pinansin at tinusok ang panibagong kwek-kwek. Hindi ko na mabilang ang aming kinain. Parang pinakyaw naman din nila. Isang libo pala ang binabayad kahit hindi naman aabot sa five hundred lahat. Pero sabi ng dalawa, tulong na raw nila. Tig five hundred sila.

"Huwag ka masyadong magpalunod sa acads. Isa pa, dinner lang naman eh. Ihahatid kita sa inyo pagkatapos..."

"Hindi ba pwedeng next time nalang, Colt? Nakapag NUSTAR na naman tayo ilang beses na!"

"I really have plans to work abroad," pag-iiba ko ng usapan.

"I have plans to migrate rin," sabi ni Ryder.

"Gusto kong tumira sa Netherlands."

"Alam niyo bang may bahay kami sa Netherlands?"

Napatingin ako sa kanya. Gaya-gaya!

"Couz, hindi mo pa ako dinala sa maliit niyong bahay! What if magbook tayo ng gala ngayong break?!"

"Sabi mo, busy ka love."

"E-eh, busy naman talaga! Naghahanap lang ng oras para maglibang!"

Nagcellphone nalang ako kaysa pakinggan ang dalawa na nagyayabangan.

"Stalker ba kita?! Bakit ka nanglilike ng old posts ko?!" sinapak ko si Ryder gamit ang cellphone.

Tumawa lang ito.

"G-grabe! Mag-iisang daan ang posts ko!" hindi makapaniwala kong sabi.

"Maliit lang naman. 'Di kana masyadong nagpopost ngayon."

At doon ko napagtanto kung gaano na ako kalimit mag post sa buhay ko.

"Hindi naman sa i-post mo talaga lahat ng nangyayari sa buhay mo pero kung may gusto kang i-post, gawin mo."

Recently, I've been conscious of what people might think of my posts.

O baka nag-ooverthink lang ako? Hindi naman siguro tama ang iniisip ko dahil hindi lang ako ang nag-iisang tao sa mundo na lahat talaga sila ay nasa akin ang mga mata.

Tiningnan ko ang mga taong dumadaan sa harapan namin pagkatapos ay tinitigan ang yellow cellophane na tinatangay sa gitna ng kalsada. Sa daming tao na nandito sa Colon, walang nakakita nun.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon