I STILL can't move on.
Traya, nanganak na nga iyong tao tapos medyo bitter kapa rin?
Inaamin ko, oo.
Negatibo man sa paningin ng iba pero iyon ang nararamdaman ko. Bitter pa rin ako kaunti ngayon.
Kaunti na lang.
Magkasama kami ngayon ni Ryder para maghanap ng regalo sa bata. Hindi kami dumalo sa binyag ng bata na ginanap kahapon dahil weekday iyon ginanap. Mayroon akong trabaho. Isa na ako ngayong online seller.
Nakatanggap nga ako ng paninira kasi bakit daw wala ako?
Inimbita nga raw nila ako para bumalik ang magandang relasyon namin. Lol.
Totoo naman ang rason ko at mahirap kung liliban naman ako kahit online lang iyon. Malayo ang venue at wala akong masakyan. Kauuwi lang ni Ryder kanina. Kauuwi niya lang galing sa trabaho.
Minsan, kailangan nating umunawa na may taong hindi makakadalo ng 'special event' ng buhay mo dahil may kanya-kanya rin silang buhay.
Lalo na't weekday ginanap.
Nagtampo sa akin si Ataska dahil nga inimbita ako dahil para sa aming dalawa nga raw iyon at ni Wren.
"Hindi mo na dapat ginagawa ito."
"Baka may masabi—"
"Eh ano naman? Normal lang naman na may masabi ka dahil sinaktan ka nila."
"R-ryder, naka move on na ako."
Sinabihan ako ni mama na hindi ko dapat ginagawa ang mga bagay na ito para sa 'formality' at 'saving my name' dahil paano naman daw ako?
"Ayokong nagmumukha kang plastik nay."
Medyo nasaktan ako sa diretsahan na sabi niya.
"Sila na nga ang nanakit sa'yo tapos sila pa ang galit kung hindi ka makapunta?"
"It takes decades to heal..." at niyakap ako.
Ayokong umiyak na naman.
Ayokong isip niya na hindi ako naka move on.
"R-ryder, naka move on na kasi ako!"
"Fully?"
Hindi ako makasagot.
"Fully or partially lang?"
Huminga siya ng malalim, "you don't need to answer me."
"Kung iyong iba ay nagagalit dahil matagal kang maka move on, ako hindi."
"Ayokong magsinungaling ka sa akin. Kung may mga bagay na ayaw mo o ayaw mong matandaan, sabihin mo sa akin para matulungan kitang makaiwas."
Nakakahiya dahil napapansin niyang hindi pa ako fully healed.
"T-tinutulungan mo talaga akong maka move on?"
"Nay, ayaw kitang nakikitang nahihirapan. Diba ganoon kapag love mo ang isang tao?"
"I love you."
Oh my. I can't even say 'I love you' back to him kahit alam kong may nararamdaman din ako sa kanya.
Para kasing iniisip ko na mas malalim ang kahulugan nito. Kung dati, kahit sinu-sino ang nasasabihan ko. Ngayon, nag-iingat na ako bigla.
Kasi hindi na rin ako madaling napapaniwala sa salitang iyan.
Maliban siguro kay Ryder. Naipaparamdam niya sa akin 'yun eh.
Pagkatapos naming mamili ay kumain kami. Syempre, hindi ito mawawala.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...