NABULABOG ako nang bumisita si lola sa bahay.
Yayakapin ko na sana siya nang hilain niya ako bigla ng malakas. P-parang galit ito!
Pero hindi pala galit. Agad niya akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak.
"N-nak, sumama ka sa akin. Maganda sa subdivision!"
"B-bakit, lola? Maayos lang naman po ang kalagayan ko rito."
"Inaabuso ka rito, Traya! Umalis ka rito!"
"Bubuhayin kita! Ampanget ng pamumuhay mo rito!"
Naiyak ako. Anong pangit? Mahirap naman talaga tayo, la. Nakatikim lang tayo ng maginhawang buhay dahil kay tita.
Tsaka mas malayo 'yun sa Mandaue. Malalayo na ako sa CDU. Mga 2-3 hours ang byahe kasama ang traffic. Hindi ko rin pwedeng iwan si Jade dahil ayaw ibigay ni tita kay lola.
"Ma, hindi aalis si Traya!" sabi ni mama dahil ayaw akong ibigay.
"Kukunin ko siya at wala kang magagawa!"
"Anak ko si Traya at kung sasabihin kong dito lang siya, dito lang siya!"
"Nanghihipo ang nobyo mo!"
Tumaas ang balahibo ko roon.
"Sinong nagsasabi n'yan? Gumagawa talaga ng kwento si Traya!"
Iiling na sana ako. Hindi ako literal na hinipo pero panghihipo pa rin 'yun.
"Oo, nakakulong na siya pero nanghipo pa rin! Hindi 'yun mababago! Nakakawala ng respeto ang pambabastos niya!"
"Ma, ano ba?! Dito lang si Traya dahil walang mag-aalaga sa akin. Buntis ako!"
Napapikit ako sa epekto ng ginawa ni lola. Kahit siguro ang bata sa sinapupunan ay nararamdaman ang kanyang malakas na sampal.
"At sa lalaking 'yun pa?! Anong ipapakain niya sa inyo ng bata?! Ang tanong, pananagutan kaba niya?!"
"Maganda ka sana kaso wala kang utak! P*tangina mo! Bakit ka nagpabuntis sa lalaking 'yun?! Hindi ko nga alam kung paano mo minahal ang ganoong klaseng tao—"
"Dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin ma!"
"Halata namang inaabuso ka nun! Nagsusumbong sa akin ang kapatid mo! Minamaltrato ka at hindi pagmamahal 'yun!"
Biglang nagflashback sa akin ang pangyayaring 'yun. Bakit mahal na mahal pa rin ni mama si tito kung ganoon ang naranasan niya?
Ilang beses na...
Kagaya ng pagtrato sa akin ni Wren. Pang-ilang beses niya na akong niloko, pero bakit tinanggap ko pa rin siya noon?
"Kalimutan mo na siya," si lola mismo ang nagsabi.
Hindi ko rin makalimutan na ninakawan ako ng tunay sa Colon kanina. Nakalagay sa pitaka ang sweldo ko. May binili lang ako pagkatapos ay kinuha ang sweldo sa pagiging virtual assistant. Unang sweldo ko palang 'yun pero nawala kaagad. Nakakalungkot.
Binigyan ko ng limang piso ang bata dahil naawa ako pagkatapos ay ganoon ang ginanti sa akin?
"M-madali talaga akong lokohin la..."
"Hindi ka madaling lokohin nak, mapagmahal ka lang talaga."
"Sana hindi magbago ang ganyang ugali mo kahit nasaktan ka ng ibang tao," sabay halik sa akin.
Nagising ako dahil sa halik ni lola. Nakatulog pala ako tapos nanatili lang siya sa tabi. Hindi niya ako nakumbinsing umalis.
Ayokong umalis, la. Ayokong iwan sila rito kahit mansyon ang naghihintay sa akin.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...