22

4 1 0
                                    

AKALA ko ay ang gagawin naming sayaw ay theme song ng isang kandidata.

Naghahanap pa ako ng pwedeng i-remix, pantulong sa grupo. Ngunit isang modern sexy dance pala ang sasayawin.

Kung nalaman ko nang maaga, hindi na sana ako sumali rito. Mas naging drained ako dahil nagpra practice kami hanggang ala una ng madaling araw pagkatapos ay klase ko tuwing alas syete ng umaga. Nagbago kasi kami ng schedule.

Seven to seven, monday until saturday.

Napalunok ako nang marinig ang malakas na sigawan sa bawat bleachers. Punong-puno ang venue dahil nagbigay ng libreng pagkain ang mga kandidato.

Nanginginig ako sa kaba.

Biglang nagring ang phone ko. Tumatawag si Ataska!

"Saan ka dzae?!" nang sinubukan ko itong sagutin pagkatapos ay agad na tinakpan ang mic para hindi niya marinig ang hiyawan ngunit mas lalong lumakas ito ng lumabas ang host.

M-mali naman kasi ako. Nagditch ako sa isang group task!

"Saan ka, Traya?!" narinig ko ang pag-aalala sa kanyang boses.

"N-nasa party lang ako. Family gathering."

"Ganyan kaingay?! Saan ka nga?! Bakit parang nasa isang rally ka?!"

Napakagat ako sa labi. "Pwedeng excuse muna ako? Family kasi eh..."

"Naku, hindi pwede!"

Badtrip naman. Hindi ko ba siya mapa pakiusapan? Natakot agad ako nang maalala ang sabi ng instructor na pwedeng maglaglag ng kagrupo.

Hindi ko kayang mag solo. Hindi naman talaga ako lumiliban sa group tasks. Kailangan lang ngayon.

"Traya, huwag mo kaming i-ditch! Baka nakakalimutan mong case study ito!"

"U-uhm, ayaw kasi ni lola na hindi ako sasali sa reunion eh..."

"Reunion?! Sigurado kaba?! Alam mo—kaibigan kita kaya alam ko kung gumagawa ka ng kalokohan. Ipapasundo kita kay Ryder!"

Napindot ko ang 'end call' button nang pinapwesto na kami para sa opening prod. Tatlong sayaw ang sasayawin namin para sa grand rally na ito at pa intense nang pa intense.

"Attention, salute!" panimula ng kanta.

Sumabay ang kabog ng damdamin ko sa malakas na beat ng intro.

Todo ensayo ako sa performance na ito pero naging uneasy ako bigla. Naiisip kong nandito si Ryder kahit wala naman.

Traya, impossibleng mahanap ka nun!

Muntik pa akong magkamali nang marinig ko ang intro ng susunod naming sasayawin. May kasa ng motor kasi sa intro ng 'Power' ng Little Mix. T*ngina nito.

Iyong inaakala mong may sumusundo na sa'yo! Nakashorts pa naman talaga ako.

Pagpasok namin sa backstage, sumilip kaagad ako kaunti para subukang hanapin sa crowd si Ryder.

Wala naman!

Ano ba, Traya! Bakit siya ang iniisip mo?! Trabaho yata!

"Talaga namang napahiyaw ang partylist riders natin!" hindi pa nakatulong ang papuri ng host.

Nasa harapan kasi nakaupo ang rider group ng partylist na ito. Ipinapakita sa rally na ito na iba't ibang uri ng tao ay nagpapakita ng suporta rito. Nag-ooverthink tuloy ako na baka isa ang ulo ni Ryder sa mga ilalim ng helmet na 'yun.

Nilapitan ako ni Cheska, "type ka raw ng isang board member!"

Nagulat ako nang sabihin niya iyon.

"Ayun ang dalawa niyang bodyguard. Baka plano kang lapitan," sabay hagikhik nito.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon