THERE are people who invalidate your feelings.
Nalaman ng ibang common friends ang break up namin ni Wren.
Parang ako ang mali sa paningin dahil "cheating" lang naman daw 'yun. Normal lang sa relasyon. It happens.
Naniniwala naman ako sa kasabihang kapag cheater ay dapat nang iwan. Sa totoo lang, kung isang beses niya lang ginawa 'yun ay mapapatawad ko siya. Pero daming beses na eh.
Tapos sabi pa nila ay dahil daw sa ugali ko ito. Mahirap daw akong intindihin. Enough na rason ba 'yun para magcheat siya sa akin?
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang sinasabi nila eh may mga karelasyon din sila. Paano kung maranasan din nila 'yun?
Mas maganda pa raw ang ugali ng bago. Edi, go.
Family-oriented, mayaman at matalino. Higit sa lahat ay Maka Diyos daw.
Ipinatong ko ang tatlong kamay sa ibabaw ng tatlong kandila bago ako nag sign of the cross.
Anuman ang tingin ng iba sa akin, alam kong pantay tayong lahat. Kaya ipinagdarasal ko rin na mawala lahat ng negativities sa utak ko. Kasama na roon ang insecurity at jealousy.
"Tapos kana?"
Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Ryder. Katatapos lang namin magsimba at andaming tao.
"Tara. Saan tayo kakain?"
"Hmm, gusto mo mag unli?"
I always get excited when he brings me to unli-restaurants.
Lately, palagi akong gutom. Siguro, epekto ito ng pag-aaral pero ayaw kong mag self-diagnose. Base lang sa nararamdaman ko ay palagi akong nagugutom.
Non-boards man ang course ko pero nakaka pressure pa rin kaya.
"Naalala ko dati, binagsakan kita ng isang bukid ng kanin. Hahaha!"
Hindi mismo sa restaurant na ito pero same branch eh!
"Napakasama mo talaga, Traya!"
"Papansin ka kasi noon. Papansin ka pa rin naman hanggang ngayon," tumaas kaunti ang boses ko.
"Oh, galit ka n'yan?"
"Gusto mong magalit ako sa'yo?!"
Ngumiti ito. Ampangit niya talagang ngumiti! Lalo na sa tarpaulin ng pamilya nila.
"Bakit ampanget ng ngiti mo d'yan?!"
Nowadays, I always see Ryder's face in the tarpaulins ngayong pasko. Bukod sa politicians, businessmen ang pamilya niya ngunit siya lang ang hindi business ang kurso.
"Greetings from Caseda Clan. Wow!" pang-aasar ko.
Yayamanin ang beshie ko.
"Laki siguro ng gastos ng pamilya niyo sa mga tarpaulin."
"Yup, it's our personal money."
Tumawa ako. "Edi, marami nang magkakagusto n'yan sa'yo dahil sa mga tarpaulin?!"
"Tss. Kumain ka nalang nga d'yan. Gusto mo pa ng manok?"
"Huwag na. 'Di ko pa nga maubos."
Sinubukan niyang kunin. "Akin na—"
Tinampal ko ang kamay niya. "Hindi ko pa mauubos pero uubusin ko!" at nag-away na kami dahil mas masarap daw ang flavor ng manok ko kumpara sa kanya.
Eh kasalanan ko bang 'yun ang inorder niya?!
"Ryder, huwag mong galawin ang pagkain ko. Sinasabi ko sa'yo. Galawin mo na lahat huwag lang ang pagkain ko," pagbabanta ko at seryoso ako.
Sasabog ang buong Colon kapag ginawa niya 'yan.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...