34

4 1 0
                                    

DAHIL ayaw nina mama at tita, matagal kong hindi napuntahan si lola sa bahay niya.

Pinindot ko ang door bell kasabay ang pagtanggap ko ng paulit-ulit na phone call.

Inis akong bumulong, "sinabing ayaw ko nga!"

Nagkaroon sila ng selection sa possibleng kandidta ngayong CESAFI. Isa ako sa napili ng department at pinapapunta nila ako bukas.

Good day, Miss Feres!

I am the University President's secretary. I would like to meet you in person.

Sh*t naman.

Nakita kong sumilip si lola sa bintana. Ilang segundo ang lumipas ay lumiwanag ang mga mata nito nang makita ako.

"A-apo!" dali-daling tumakbo sa akin at niyakap ako. "I love you so much apo ko! I miss you!"

"N-namiss din kita lola," sabay halik sa kanya.

"Oh, saan si Ryder? Bakit hindi mo dala?!"

"Busy po lola. May internship eh. Byahe siya ngayon sa Manila."

"Sana isama mo siya sa susunod!"

Habang nagkukuwentuhan kami ni lola, dinidistorbo ako ng iba't ibang phone call.

"Si Ryder ba 'yan, Traya? Nag-away kayo?!"

Nanlaki saglit ang mga mata ko. "L-la! Hindi po, 'yung department ko po ito ang tumatawag. Pinapasali kasi ako sa isang beauty pageant," nahihiya kong sabi.

Napahawak ang kanyang dalawang kamay sa dibdib. "T-totoo?! Edi, sumali kana!"

"Ayoko po lola kasi—"

"Kung nag-aalala ka sa gagastuhin, ako na ang bahala! Magkano ba lahat?!" kinuha niya pa ang pitaka sa loob ng bag.

"Lola, hindi—"

"Traya, hindi lahat ng pera ko ay galing sa tita mo. May pension akong tinatanggap buwan-buwan. Sumali kana iha!"

"La, hindi po siya basta-basta na pageant. Kung pamilyar po kayo sa CEFASI, iyon po ang sasalihan ko."

Syempre, pamilyar siya!

"CESAFI pala! Jusko! Sumali kana dahil kinuha ka naman. Sayang! Magiging proud kaming mga Magluyog sa'yo!"

"L-la, hindi po ako confident—"

"At bakit hindi?! Apo kita Traya kaya alam ko kung gaano ka kaganda at kabait! Huwag kang makinig sa sasabihin ng iba!"

"Isang beses mo lang 'yan mararanasan. Huwag mong hayaan na sirain ka ng ibang tao!"

Napayakap ako kay lola. I really love her. Sa tuwing nawawalan ako ng gana mabuhay, nand'yan siya palagi.

"N-nagpaalam ka ba sa manliligaw mo?"

"O-opo, lola."

Ryder, gusto ng department ko na magtryout bilang CESAFI candidate.

Wow. Talaga nay? That's a good news! Subukan mo lang dahil sayang ang opportunity. Kailan ba ang screening?

"Ansabe?"

"P-pumayag naman po."

Napahawak siya sa magkabilang balikat ko dahil sa saya. "Tingnan mo, suportado kaming lahat sa'yo!"

Ngumiti lang ako.

"Buti at nagpaalam ka kay Ryder, apo. Hindi pa ba kayo? Pero kahit hindi pa, may karapatan siyang malaman ang mga desisyon mo dahil ang panliligaw ay pagbibigay ng konting karapatan sa kanya na pumasok sa buhay mo."

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon