5

11 1 0
                                    

NABUNDOL ako dahil nasa cellphone ang buong atensyon.

Bumalik kami sa pagtetext ni Wren, ang aking ex.

Isa itong civil engineering student sa Cebu Technological University. Sikat itong basketball player kaya minsan ay naiiwanan ang pag-aaral. Third year na sana ito ngunit bumalik ng second year dahil sa mga bagsak. Nagkamustahan kami at nag-uupdate sa mga bagay-bagay. May laro sila kahapon at nanalo naman sila. Hindi ko nakitang nanood ang girlfriend niya kaya baka ay break na ito.

Nakikipagtext ba ito sa akin dahil wala na sila?

His new girlfriend's name is Deborah. She's very rich and talented. Similar to Ataska, she's a vlogger and her contents are mostly medtech-related. She's a sophomore katusok student at Velez College.

Bumalik ang mga alaala ko tungkol sa velezians na minsan nang i-consider ng iba bilang kaaway ng cducians. Most of the people around us considered both schools rivals when it came to medical school.

Tss. CDU pa rin.

Isa pa, mas magandang magjowa ng nursing student dahil aalagaan ka. Kung medtech student ang jojowain mo, tutusok-tusukin ka lang non.

I then remembered that some people fight when choosing the best pre-med course between nursing and medtech.

"Nursing because of its practicality," I murmured.

Anyway, why did Wren become interested in me again?

Baka namiss ka, Traya.

Napangiti ako sa aking delulu moments.

Ewan. Alam kong makikipagbalikan ako kung gusto rin niya.

I miss babysitting him.

Nakakamiss mag-alaga ng lalaki.

Inaantok ako. Malayo ang Mandaue sa Cebu kapag traffic. Minsan, sa bus na ako nag-aaral at maingay kaya hindi ako nakakapagfocus. Kung mayaman lang sana kami, bumili na ako ng condo kaso sobrang mahal din non. Wala kang mahahagilap na mura rito sa "heart" ng Cebu. May dormitory naman ang school pero hindi rin namin afford. Ayaw ko na rin ipaalam sa kay tita dahil nahihiya na ako.

Sunod-sunod ang sasakyang nagpark sa harapan ng CDU.

Tinanong ako ni Wren kung kamusta ang CDU?

Mainit.

Kung titingnan mo sa labas, parang aircon ang CDU pero mainit!

Hindi pa natatapos ang school year, marami nang banta na advised to shift kami dahil hindi daw namin kaya ang nursing.

Pagpasok ko palang ng gate, bumungad na kaagad ang 'Congratulations!' posters.

Bumuo bigla ang pressure sa aking isipan. Paano kapag hindi ako nakapasa sa board exam? Alam kong nag-aaral pa lang ako pero hindi ko maiwasang isipin ang ganitong bagay.

Tumitig ako 100% na nakalagay. Proud ako sa mga naunang batch dahil nakayanan nila iyon.

Minsan, hindi ko nararamdaman na mapabilang ako d'yan. Parang napakaimpossible dahil palagi akong nagdadalawang-isip para sa sarili.

Papunta sana akong South Atrium nang makita ko si Ryder sa accounting.

Ginagawa niya rito?!

Siya ba ang nagbabayad ng tuition sa jowa niya? Napairap ako sa naisip. Sugar daddy pala ito. Lumiko nalang ako papuntang North Atrium.

Pagkatapos ng lecture, ang susunod na schedule ko ay sa CDU Shed. Kabibihis ko lang habang nilagay ang dalawang kamay sa dibdib at nag-eensayo para mag CPR. Pagkadaan ko ng Foreign Student's office nakita ko ulit si Ryder na nakita rin ako. Alam kong nakita niya ang gulat kong reaksyon kaya dali-dali akong naglakad.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon