42

6 1 0
                                    

ISINARA ko ang pintuan.

Walang tao dahil nag beach sila mama. Hindi na ako sumama dahil sinabi kong walang signal doon. Pero ang totoo ay wala na akong trabaho. Hindi ko lang sinabi dahil baka magtaka sila at mag-alala na wala na akong trabaho. Gusto kong sarilihin muna.

Iniyak ko lang lahat kay Kobe hanggang sa niyaya ako na aalis kami ni Ryder. Manonood kami ng lighting sa Fuente Osmeña. Isa ito sa inaabangan ng lahat tuwing December 1. Doon na rin kami kakain.

"Iiwan ko si nak dito."

"Sure ka?" na may halong pag-aalala.

"Hindi ba 'to mawawala?"

"H-hindi naman siguro."

Ngunit napagdesisyunan naming ipasok nalang ito sa bahay. Napakamot pa nga ako sa ulo dahil kasya nga ito sa pintuan.

"Woah," namangha rin si Ryder.

Tumawa ako, "kahoy lang din naman ang bahay namin. Mananakawan kung may magnanakaw!"

"Edi, good bye," sabi niya lang.

Nagsimba muna kami sa Sto. Niño bago pumunta ng Fuente. Hindi na kami nagdala ng motor dahil siguradong mahihirapan kami sa pagpark.

Sa totoo lang, nakakapagod maglakad ng mahaba dahil malayo 'yung sakayan pero ayos lang pala kapag may ka holding hands.

Sumakay kami ng jeep ni Ryder.

"N-nakapagjeep kana?" bulong ko.

"Oo naman kapag may bibilhin ako sa mall."

At saan siya nagmamall? Sa Feresco?

Napatingin ako sa kanya. Sabagay, mayroong bus stop sa isang block bago ang mall pero walang direct. So, nilalakad niya pa rin?

"Hindi ka nagmomotor o sasakyan?"

Umiling ito.

Tumatango-tango ako.

May mga ganito palang mayayaman no? Iyong nagcocommute pa rin?

Komportable pa siya sa pagkaupo na parang sanay na sanay.

"Gaano ka kadalas nagcocommute?"

"Madalas"

"S-sanay ka na?"

"I ride tricycle sa Manila, papuntang paaralan."

Mayroon din palang tricycle sa ganoong lugar? O hindi siguro pareho sa itsura na nakikita ko.

"Dalawa po, sa Urgello lang."

Teka—nilibre niya pa ako ng pamasahe! Imbis nag-insist ako na mag traditional jeep lang kami dahil hindi aircon at makamura lang.

"Ako muna. Ikaw magbayad mamaya pauwi."

Walang direct papuntang Osmeña kaya lalakarin namin ito galing sa Urgello. Malapit lang naman.

Maya-maya ay nag sink in sa utak ko na maglalakad lang pala kami pauwi ni Ryder. So, hindi ako makabayad ng pamasahe! Naisahan niya ako!

Sinimangutan ko siya. Ayaw ko kasing nililibre niya ako palagi!

Kinurot niya ang aking pisngi, "ngiti kana. Nag-insist na mag Fuente tapos nang nandito na, sisimangot ka. Ayaw mo sa fireworks nay? Angganda oh!"

Ipinatayo niya pa ako sa fountain para mapicturean niya pero inirapan ko siya. Pagkatingin ko tuloy sa kalangitan ay wala nang fireworks.

Nakapagpic naman siguro si Ryder non noh?!

Mas lalo akong napasimangot.

"Angganda ng fireworks display! Antagal natapos!"

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon