HINAWI ko ang kurtina.
Mahimbing ang tulog ko nang magising bigla dahil sa kaguluhan sa labas. Noong una, akala ko nag-away ang kapit-bahay hanggang sa nakita kong natumba si mama dahil sa malakas na tulak ng isang pulis.
Napahawak ako sa bibig nang hawakan ni mama ang kanyang tiyan. Dali-dali akong lumabas pagkatapos.
Makukulong si tito?!
Sangkot daw si Tito Jose sa isang nakawan sa Feresco Mall kaya dinampot ito ng kapulisan.
Hindi ko alam kung paano patahanin si mama dahil sa nangyari. Muntik na itong himatayin nang malaman kung gaano si tito katagal makulong.
Bakit parang masaya ako na wala na si tito?
Sorry, mama. Baka proteksyon ito para sa atin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nagnakaw si tito sa isang sikat na mall at pharmacy.
Tatlong oras na siguro ang lumipas pero umiiyak pa rin si mama. Ayaw niyang tumahan. Medyo nagkasigawan na nga sila ni tita dahil ayaw nitong tumahan!
Wala lamang kay tita nang marinig niyang makukulong ito. Sabi nga niya, kailangan managot siya sa ginawang kasalanan.
"Tumahan ka nga d'yan ate! B*bo naman kasi ng nobyo mo! Sa isang sikat na establisyimento pa naman magnakaw?! Malamang mahigpit ang seguridad don! Doon sana siya sa Colon para hindi siya madaling mahuli!"
Ang tugon lamang ni mama ay papalayain niya si tito dahil maghahanap siya ng pera.
Napaiwas nalang ako ng tingin. How can she still love someone who abused her?
Somehow, I can see myself in mama.
Dumating bigla ang loyal driver ko sa bahay. Isang buwan nang hinahatid-sundo ni Ryder. Magkatabing syudad lang ang Cebu at Mandaue ngunit naging malayo ang CDU dahil sa traffic. Hindi naman daw siya namomroblema dahil naka express way ito palagi. Dami niyang pera na nilabas ha?
For the first semester, I got good grades, but I was accused of cheating because I'm not smart.
Kataka-taka raw na magtop ako sa exam ng isang major subject.
Hindi ba pwedeng nag-aral ako ng mabuti? Wala na rin akong masyadong distractions. Si Ryder nalang at nag stustudydate kami palagi. Wala akong pinagkakaabalahan maliban sa online work ko na hawak ko naman ang oras ko.
These top students are bullying me because they never expected me to become one of them one day.
Grabe 'yung ginagawa nila sa akin. Oo, hindi ako matalino pero alam ko kung paano magsipag. I don't know what to call this except insecurity. Hayaan natin ang isang tao na magpursige. Let us not compete with someone.
Medyo nahihirapan ako sa student life ko ngayon dahil 'yun nga, matatalino ang bumangga sa'yo.
It's always the educated ones who bully, then promote anti-bullying.
"It's funny how educated people bully, then promote anti-bullying."
Napairap ako sa karatola na mayroong anti-bullying campaign na nakalagay.
"Ayos ka lang, nay?" sabay pokpok ng kartolina sa ulo ko.
"Ano ba, Ryder?!"
"I know you matter, but don't take up too much space."
Sumakit bigla ang ulo ko lalo na nang maalala ang organic at inorganic chemistry lessons.
"Charot lang. Ano ba kasi 'yan? Pwede mo bang i-share?"
"Para saan 'yang kartolina?" pag-iiba ko ng usapan. Nagpasama siya sa Colon dahil may bibilhin. Kuripot mode niya rin ngayon dahil bakit hindi nalang ito sa mall bumili?
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...