NAKUHA na ni Ryder ang lisensya niya sa pagmamaneho ng sports car.
Imbis na magdiwang, hindi ko magawang magsaya ng todo.
I heard my ex got Ataska pregnant.
Teka bakit parang... ambilis lang?
Sa totoo lang ay nasasaktan pa rin ako.
I already healed myself. Pero noong may nalaman ako ay parang may nabiyak ulit.
Inamin ni Ataska na may "something" na talaga sila dati pa, kahit noong kami pa ni Wren.
That revelation hurts me so much.
Isa pala siya sa mga babaeng niy noon.
Umiling ako. Marami akong iniisip pero pilit kong sinasabihan ang sarili na hayaan na lang.
I would not judge my best friend.
"Traya—"
"Excuse me muna!"
Kahit iyong mga tumatawag at lumalapit sa akin ay iniiwasan ko.
Mahal ko ang dalawa. Buntis si Ataska at nabalitan kong tinanggap ito ng angkan.
Parang nasasaktan ako nang makita kung paano ni Wren trinato si Ataska. O baka natakot lang ito dahil sa pamilya ni Ataska?
Pero kilala ko siya. Hinding-hindi ito napipilit sa hindi niya gusto. Hanggang sa dumaan ang ilang buwan at nakita ko ang pagbabago niya.
Ito 'yung mga pinapangarap ko dati na maranasan.
Masakit pala kung nakikita mo ito sa iba.
Mapapatanong ka... at mapapabalik ka sa nakaraan...
Pero mas masakit pala 'yung nag move forward kana tapos may malalaman kapa. Sana ay nalaman ko nalang lahat dati pa.
Galit na galit si mama sa nalaman. Sinabihan pa akong huwag nang dumalo sa kasal.
They invited me to their intimate wedding, but I still haven't yet informed them if I'm going or not. Sa Bantayan gagawin ang kasal at pribado ito dahil may iniingatang pangalan ang dalawang pamilya.
"Ma, nakapag move on na ako."
"Alam ko! Pero hindi mo na kailangang pumunta roon! Hindi ka nga nila nirespeto!"
"Ma, past—"
"Kahit na wala na kayo at mayroon ka nang Ryder, niloko kapa rin nila! Kung kukunin kang ninang, huwag kang pumayag!"
Hindi nalang ako sumagot. Hindi ko alam kung saan niya ito nalaman dahil hindi ko pa naman sinabi. Baka sa kanila Mama Fe.
"Nay, uhm—pinapatanong nila tita kung dadalo ka raw kasi may ano..."
Napakamot muna ito sa ulo bago nagpatuloy, "gown daw eh!"
"Parang gagawin pa 'yung gown para sa bridesmaids."
Narinig ko rin na si Wren ang halos gumastos ng kasal. Pinatunayan niya talaga sa pamilya na papanagutan niya si Ataska. Bumalik sa mga alaala kong hindi niya nga kayang mabayaran ang five hundred na bill sa restaurant.
Ayaw kong maging insecure pero hindi ko mapigilan.
"Nay? Nakikinig ka ba?"
"Uh-hindi siguro ako aattend," hindi ko napigilang tumalikod dahil naiiyak ako kaunti.
"O-okay, pero nay aattend ako ha? Kailangan kasi... at uh... walang kasama sila mommy at kapatid ko."
Gulat akong lumingon sa kanya. "Bakit ka pa nagpapaalam? Syempre, kapamilya ka eh! Kaibigan lang naman ako!"
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...