TAWANG-TAWA si Ryder nang hindi niya matamaan ang balloon sa gitna.
"B-bakit ba sira ang baril," bulong niya pa.
Hindi ko alam kung matatawa ako dahil nakailang ulit na siya ay hindi pa rin namin nakukuha ang teddy bear.
"Hindi talaga ako magaling sa barilan! Sa racing lang oo! Hahaha!" sabay kamot.
Sinabihan ko siyang itigil na namin ito dahil kaya naman naming bumili ng mas malaking teddy bear.
"Pasensya kana, Traya! Hahaha!" alam kong nahihiya siya pero dinala niya lang sa tawa.
Knowing Ryder, hindi ito madaling mahiya.
"Paunahan nalang tayo sa racing!"
Hinamon niya ako sa car racing at pinagbigyan ko naman siya.
"Sa motor ka lang magaling," asik ko.
"Hindi mo lang alam na may sasakyan din ako."
Medyo natahimik ako roon. Hindi naman siya nagyayabang dahil totoo naman 'yun pero hindi niya rin alam na ganito ang nilalaro ko noong bata pa ako.
At nangunguna nga si Ryder palagi at ayaw akong palusutin. May pagkakataon sinasadya ko siyang banggain pero bumabagal lang ako—ang resulta!
Hindi mo talaga ikakaangat ang paninira.
"Okay, I give up!"
"Traya, you can win with your dirty moves, but you'll never feel the glory."
Tumawa lang ako. "Sorry na nga!"
"Sinasadya ko lang na manalo ka kasi 'di ka makascore kanina eh!" sabay tawa ulit.
"Yabang mo. 'Di talaga ako nag-enroll sa firing school. I prioritize my free-diving lessons when I was younger."
Nagulat ako sa nalaman. "M-marunong ka n'yan?"
"Yup. Nag-enroll ako noon sa Palawan. Pero mas nahuhumaling talaga ako sa nature. Iyong mga bundok."
"Tsaka, I have a bad experience in the ocean. Muntik na akong kainin ng pating. Natrigger sa akin."
"Ba't ka naman umabot doon?!" nag-alala ako bigla kahit noon pa nangyari iyon.
"Kasi nacurious nga ako sa ilalim ng dagat hahaha. So, pinagbawalan ako, and I created an admiration sa pagmomotor. Hinabol din ako ng isang wild animal sa forest at nakagat ang paa ko pero naka protective suit, so hindi napuruhan. Hahaha!"
At tawang-tawa pa siya?! Habang nakanganga ako rito!
"I really love nature. If I were to advise you where to go, I would recommend greenery scenes. Appreciate it before it's too late."
Mama mo.
"Bakit 'di ka nag-iingat?! Pwede ka namang maging rider lang sa kalsada. Bakit ka pa umabot sa kagubatan?!"
"It's called forest adventure, nay. Also, we're finding fossils 'yung adventure trip na inooffer ng big universities. It's a rare experience."
Sabagay, kung dito rin sa kalsada ay may mga malalaking sasakyan!
"D-do you really love your hobby?"
"What kind of question is that, Traya? I love this thing, because it is my hobby. I won't consider it as a hobby if I don't do it or I'm just doing it for someone."
Bumalik ang alaala ko noong mga panahong trying hard akong makibelong sa "gamers squad" niya. Iyong nagpapaload pa ako at nauubos ito dahil sa paglalaro. Sinasabayan ko pa siya at nagpupuyat.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...