ARAW-ARAW akong pagod dahil sa paghahanda sa pinaka-engrandeng event na sasalihan ko.
"Pahinga ka muna, Traya," sabi ni Mama Fe, ang trainer ko ulit para rito.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para matulog nang makita ko si Ryder na pumasok kaya lumaki ang mga ito bigla.
Hindi ko napigilang sumigaw. "Ryder!"
"Mag-oorder ako ng pagkain. Kumusta ka?"
Ngumisi ako. Mas nauna niya pang sabihin ang tungkol sa pagkain kumpara sa kumustahin ako. Alam niyang magiging maayos ang pakiramdam ko kung kakain!
"Hulaan mo kung ano ang oorderin ko?"
"Hmm, burger?"
Napahawak siya sa bibig. "P-paano mo nalaman? Manghuhula 'yan?"
Nahampas ko siya sa tuwa. Nagugutom na ako eh!
Habang nag scroscroll siya sa cellphone para mag-order, paulit-ulit niyang sinabi kung paano ko raw nalaman.
Eh sa 'yun ang cravings ko!
"Double tapos cheesy burger ang oorderin ko."
"I-triple mo 'yong akin!" reklamo ko.
"Oh, gutom 'yan? Hahaha!"
"Gutom ang Sinulog Queen namin. Hindi ka ba nila pinapasnack?"
Pinalo ko siya. "Huwag ka ngang maingay!"
Nagbibigay naman sila ng snack pero isang beses lang sa isang araw tapos isang biscuit lang. Hindi naman ako nagrereklamo dahil naiintindihan kong iyon lang ang afford nila. Hindi ko lang maiwasang magutom. Minsan ay ako na mismo ang nanlilibre. Hindi lang palagi dahil hindi sobrang laki ang sweldo ko.
Mabuti nalang at mabait ang CEO ko ngayon. Full-time pa rin akong nagtatrabaho pero wala ako sa office kundi online lamang madalas. Sinisigurado kong natatapos pa rin ang trabaho habang nag-eensayo.
"Simula ngayon, magpapasnack na ako sa inyo."
"Ayos lang ba sa kanila magburger nay? O tanungin mo ang gusto nila para ma-order natin separately."
"Iyan na para iisa lamang ang shipping."
Nakakahiya at alam ko namang hindi magrereklamo 'yun sila mama.
"Balita ko ay masakit daw ang likod mo. Talagang gumaganon ka nay?" sabay pakita kung paano nililiyad ng isang Sinulog Queen ang kanyang likuran.
Natawa ako ng marami sa ginagawa niya.
"Naku! Pwede palang ikaw na ang maging Sinulog Queen!"
Kinabahan kunyari ako sa kanya. I laughed.
"Sige lang, pagtripan mo lang ako. By the way, bumili ako ng isang box ng pain patch."
My heart is so touched.
Alam niyang kailangan na kailangan ko ito ngayon.
Nagpatulong ako sa kanyang ikabit sa likuran ko ang pain patch.
"I'm gonna close my eyes. Sabihin mo lang kung saan ko ididikit."
"Just open your eyes, Ryder."
Ang OA.
"Naur," sagot niya pa.
Umirap nalang ako. Komportable naman ako nang tanggalin ko ang lock ng bra. I feel very safe, even though I am aware that he is seeing my back dahil tinaas ko ang t-shirt.
"Pwede lagyan nalang ang buong likod?" sabi ko habang pumipikit.
Ang gaan sa pakiramdam ng pain patch. Tapos para akong nanlalamig.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...