LUMAPIT ako sa kanya nang tawagin niya ako.
"Huwag mo nang lapitan 'yun. T*ngina mo!" halos kumulog ang cellphone sa kanyang boses.
Kasalukuyan kaming nagvivideo call ni Wren. Kagigising ko palang ay tinadtad niya agad ako ng messages. He was furious when he found out that Hayes went to pungko-pungko to eat with me.
Pinagseselosan niya si Hayes!
"Kasama ko nga si Ataska!"
"Paano ako maniniwala eh wala siya sa picture! Inistalk ko rin siya!"
Wala na si dzae sa picture dahil umuwi diba ito nang maaga? Hindi ko rin masabi sa kanya dahil baka ano pa ang isipan nito—na naiwan kami ng kaibigan niya.
Kaibigan niya diba 'yun? Bakit siya nagseselos doon?
"I am not f*cking panatag, Traya. Baka habang hindi tayo nagkikita, kung anu-ano na ang ginagawa mo riyan!"
"Magkacall tayo palagi. Paanong nagchecheat pa ako n'yan?!"
Nagtataka talaga ako kung bakit ganto siya mag-isip. Halos nasa kanya na nga ang mga oras ko!
"Malay ko bang pagkatapos nating magtawag ay makikipagkita ka sa iba? Kagaya ngayon!"
"Traya, kain na. Mamaya na 'yan," sabay pihit ng door knob ko. Inulit niya pang gawin ito.
"S-si Tito 'yun, kakain na raw muna kami."
"Mamaya kana kumain. Ano, umiiwas ka?!" pinag-taasan niya ako ng boses. "Tapos ayaw mo pang makipagkita sa akin sa sabado!"
"Required nga kaming pumunta sa university eh!" hindi ko na mapigilang sumigaw.
"Anong klase ka?! Hindi ka marunong magbalanse ng oras!"
"Traya, kakain na! Mamaya na 'yan!" sigaw muli ni tito sa pintuan.
Huminga ako ng malalim bago pinatay ang cellphone na nakapatong sa mesa. Alam kong magagalit 'yun dahil pinatayan ko pero galit naman 'yun kanina pa. Isa pa, hindi ko na kaya ang pagseselos niya! Sarap hiwalay—joke lang. Mahal ko eh, kaya magtitiis ako.
"Sinisigawan ka ng jowa mo? Aba! Dapat hindi niya ginagawa 'yun," bungad ni tito pagkalabas ko. Nakasandal ito at nakatitig sa bawat galaw ko.
"Ma, kakain na po!" sabi ko nalang nang makita si mama na dumaan.
"M-mamaya na ako," sabay takip ng kanyang braso.
Saan niya nakuha ang mga pasa?
Dahan-dahan akong tumingin kay tito na nadatnan kong tinititigan ang katawan ko. Nacreepyhan ako kaya nauna nang bumaba. Pagkatapos naming kumain, iniwan ni tita sa akin si Alexa kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Hapon na ito bumalik at buti nalang bumalik pa ito dahil hindi ko na kaya ang pamangkin.
Buhat ng matinding pagod, nakatulog ako ng maaga. Naalimpungatan ako nang may pumihit sa door knob. Iisipin ko sanang multo ito pero parang may tumutusok at halos sumayaw na ang dingding—baka masira pa ito!
Magnanakaw?
Maniniwala pa ako kung mananakawan ako sa daan. Pero sa bahay namin? Sa loob ng squatter na ito? Ito yata ang unang beses na makarinig ako na may nanluob sa lugar namin.
Dahil hindi naman ako takot sa multo, binuksan ko ito.
Wala kaming maulam ngayong araw. Kaya hindi nalang ako kakain ng agahan bago tumulak sa paaralan. Kumulo ang tiyan ko kaya bumalik ang konting takot na nararamdaman ko kagabi. May nagtangkang magnakaw sa amin! Ayaw kong maniwala pero sapat ang bubog sa door knob bilang ebidensya. Hindi tuloy ako mapakali habang nagsusuklay ng buhok.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...