NAUBUSAN ako ng puting t-shirt.
Umabot sa labas ang pila dito sa Colon. Required kasi sa aming NSTP subject ang pagiging human cordon sa Sinulog Festival na taun-taon na ipinagdiriwang. Ang sabi nga nila, ito ang Grandest Festival sa buong Pilipinas.
Saan ako nito hahanap ng white t-shirt?
Hinanap ko ang cafe na sinasabi ni Ataska. Pinapunta niya ako rito sa Feresco Club.
"Traya, may plain white t-shirt kana ba?"
"W-wala pa eh!"
"Papunta na rito si Ryder. Nagpabili ako sa kanya."
"Huh?" tanging reaksyon ko.
"Wala na akong mahanap dito sa Feresco."
"N-naubos na rin sa Colon," dagdag ko.
Teka—she asked help? Napanguso ako. Iniiwasan ko si Ryder pero wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang binili niya. Required eh.
"Ryder!"
Nagulat pa ako nang tawagin ito ni Ataska.
"Nakabili kana? 'Di na kami magbabayad ha!"
"Pacheck nalang ng sizes. Ito ang pinakaharap sa barge eh," sabi niya.
Barge? Kinuha niya pa ito mismo sa barko?
Grabe. Nagkakaubusan talaga. Sana ay nagsecure ako hanggang maaga pa.
"Sukatin mo. Pakisabi kung kailan kong palitan. I have the contact naman eh," nakatingin siya sa aking mga mata pero hindi ko siya binalingan.
Dito ko na sinukat sa comfort room ng cafe. Medyo maluwag ito. Pero teka, ito naman ang size ko palagi dati. Same brand din. Siguro, pumayat lang ako.
Pagkalabas ko ng cubicle, kinausap ko pa ang sarili sa malaking salamin.
"Maluwag dito banda."
"Pwede kong ilagay ang kamay ko d'yan ma'am para fit sa'yo," sumingit ang isang janitor sabay tawa.
Bastos.
Hindi ko nalang pinansin at hinubad ko ang t-shirt habang palabas ng comfort room. Nakauniform naman ako eh.
Naabutan kong nakasandal si Ryder. Ba't siya nandiyan? Hindi seryoso. Ewan. Walang reaksyon.
"Kasya?"
Tumango nalang ako kaysa palitan niya.
"M-magkano?"
"Wala"
"Anong wala? Magkano nga, Ryder?"
"Pansinin mo nalang ako."
Hindi ko napigilan ang panlaki ng mga mata ko. "P-pinagsasabi mo?"
"Pansinin mo ako, Traya."
"B-bakit? Hindi ba kita pinapansin?!"
"Feeling mo?"
"Ewan ko sa'yo!"
Hinawakan niya ako sa kamay pero siniko ko siya.
"T-tabi po!"
T*ngina ang haggard ko tapos dito pa siya pumwesto sa harapan ko?!
Nakatapat pa ang camera niya sa akin na siyang kinaiinis ko. Hindi ako nakamask dahil napigtas ito.
P*tangina. Tunaw na ang sunscreen ko!
Kasama niya ang dalawa niyang beshies. Silang tatlo ay nakashades habang may pintura sa mukha.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...