IPINAKILALA ako ni Ryder sa kanyang mommy at kapatid.
Hindi ko inaasahan dahil nakabihis na ako ng jeans tapos pinabihis niya ulit ako ng dress kaya nagblack dress ako. Nakapagtataka nga dahil paglabas ko kanina ay naka sasakyan ito.
Nahihiya ako ngayon dahil sinermunan ko siya kanina.
"Bakit hindi mo sinabi kaagad?! Nakapagplantsa na ako ng damit!" turo ko sa suot kanina.
Nakakapagod kaya 'yung plantsado na tapos hindi pala susuotin!
Agad akong napatingin sa bintana nang mayroong babae sa ilalim na gumalaw. Saka ko napagtanto na bakit nga pala siya nakasasakyan?
"Nay, nasa loob sila mama."
Nanigas ako sa kinatatayuan.
Sh*t. Para kasing pinakita ko 'yung squammy side ko kahit hindi naman ako palaging ganoon!
Bumukas ang bintana, "ask your girl Ryder if she wants to go to Busay."
Tumingin ito sa akin, "pabukid tayo? Okay lang?"
Parang umakyat sa bukid ang kaluluwa ko at iniwan ako rito.
That. Was. So. Embarassing.
"I really like the mountain part of Cebu."
Parang kilala na sila ng serbidora ng restaurant. Dito kaya sila madalas na tumatambay?
"Ryder, I'll visit your angkong for a while."
Maghihintay pa kami ng order. Dito ko lang nalaman na dito pala banda 'yung exclusive na libingan. In short, libingan ng mayayaman.
"Wanna come with us, Trie?"
Bumulong ako. "S-saan? Doon sa mommy mo?"
Tumango ito at ilang beses akong umiling.
Nag-ooverthink ako! Iniisip kong may makakasalamuha kaming family friend nila tapos ipapakilala ako.
'Kaninong anak 'to?' sasabihin niya.
Alam kong magtatanong sila tungkol sa buhay ko. Alam kong natanong na rin 'yun ng mommy ni Ryder sa kanya.
Ayaw kong masaktan sa kung anong iisipin nila sa akin kaya iiwas nalang ako.
Parang naiiyak tuloy ako.
Napunta ang usok ng pagkain sa akin at nakaramdam ako ng anghang.
"Ryder, put it away from her!"
Agad namang umaksyon ito. Humingi ng paumahin ang waiter na nanginginig. Naging polite at soft lang naman ang tugon ng mag-ina.
Nang ilapag ang panghuling pagkain ay natawa ako bigla. Nagulat silang tatlo kaya napatakip ako ng bibig sa gulat din!
Akala ko sa isipan lang ako tumatawa, sa harapan pala nila!
Kaya pinalo ko ang braso ni Ryder.
"Natatawa ka sa itsura ng lalagyan?" bumulong siya sa akin.
"Shut up!" bulong ko nga rin pero nalakasan ko naman.
"Ang ganda naman ng Miss CESAFI. Nakakagigil!" reaksyon ng mommy niya.
Nagulat ako. "Luh?"
"Uh—I mean, lah...? Kasi ano..." tumingin ako kay Ryder para tulungan niya ako pero ang loko, tinawanan lang ako!
"I can't believe ginaganyan lang ang anak ko."
Natahimik tuloy ang paligid saglit.
"I mean..." tumuwid siya ng upo. "I like the relationship between the both of you. You seem very comfortable with each other. I'm happy, Der and Trie."
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...