49

8 1 0
                                    

I HUGGED my sister.

We are celebrating her first birthday.

Ako ang gumastos ng lahat. Ayaw nga ni mama na gumastos kami ng malaki pero hindi ko tinipid ang kapatid. Kahit si Jade ay hindi ko tinitipid tuwing birthday niya.

Nakayanan ko naman lahat ng bayarin. Si mama ay madalas nagkakasakit kaya ako 'yung nagtratrabaho muna para sa pamilya. Hindi ko nga akalaing mapagsasabay ko lahat. Working student ako na mayroong dalawang trabaho, ang pagiging virtual assistant at online seller. Bumalik na ako sa pag-aaral at last semester ko na sa college.

Hindi ko akalain na maraming nagbago sa mga nagdaang taon. Parang six years ago ay first college pa ako. Ngayon, nasa second year medicine na ang mga kaklase ko.

"Traya, saan 'to ilalagay?" tanong ni Ryder kung saan ikakabit ang designs na binili ko sa Colon.

Nasabi kong malaki ang ginastos ko para sa kapatid ko pero hindi pa kasali ang decorations.

Buti nalang at tinulungan ako ni Ryder.

"Parang ikaw ang nag birthday."

"Ha?"

"Wala uhm, nakapula ka kasi."

Inirapan ko siya. Sinabihan ko kaya sila mama na magpula! At syempre, dahil part of the family na si Ryder ay kasali siya!

"Saan mo gustong mag birthday?"

"What do you mean? Gusto ko ng simple lang."

Kakain kami sa isang restaurant o magspaspaghetti rito sa bahay. Parang may tumusok sa puso ko nang sabihin iyon.

Gusto mo ba ng bongga, Traya?

"22nd birthday mo eh..."

"Eh? Mamaya na ako magbobongga kapag 25th na. Silver celebration. Ganoon."

"Paano ka nakakasiguro na aabot ka n'yan?"

Pinutok ko ang balloon sa kanya!

T*rantado!

"Joke lang! Hahaha! Oh, galit ka n'yan?"

Umirap ako at nag sign of the cross. "Ewan ko sa'yo!"

Pero kung ganoon, Lord. Pwede naman. Desisyon niyo eh...

"Tss. Gusto kong hindi magtitipid tuwing birthday mo."

Napahawak ako sa puso dahil sa gulat.

Totoong hindi niya ako tinitipid tuwing birthday ko! Hindi niya man ako binigyan ng birthday parties pero kumakain kami sa mamahaling restaurant!

"March pa naman, Ryder! Layo pa!" diretso kong sabi..

"Kaya nga, pagplanuhan natin. Hmm..."

"Saka na..."

"Ganda mo."

"Ha?"

"Bagay sa'yo ang kulay red."

"Tapos pearl earrings."

Hindi ako makapagsalita pero ang plinano kong isagot ay 'ah, sa Colon ko 'to binili. Buy one take one kasama ang may star na disenyo na susuotin ko sana sa susunod nating date.'

"T-thanks..."

"Thanks lang?" sabay tawa. "Love ko talaga basta natatameme ang malditang Traya."

Naiirita tuloy ako. "Ano ba dapat?!"

He complimented me, so I said 'thank you!'

"Maldita..." bulong niya bago umalis at tinulungan si mama sa pag-aayos ng mga plato.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon