38

4 1 0
                                    

NAGULAT ako nang pumunta sa bahay ang CESAFI glam team ko at si Mama Fe.

"Susunduin ka namin para sa victory party mo!"

Victory party?! At sino na naman ang may pakulo nito?!

"W-wala akong pambayad ha!" sabi ko nang simula nila akong ayusan.

"Libre lang ito! Isa pa, dream come true kaya para sa akin na makasali sa CEFASI at dadalhin mo pa kami sa isang 6-star hotel."

6-star hotel?! Iyong bagong bukas sa may SRP?!

Sino naman ang nagbook doon kung ganoon?!

"Isusuprise ka ng manliligaw mo tapos sasagutin mo na raw siya. Charot!"

"Huwag nating i-pressure si Mommy Traya! Siguradong ini-enjoy pa nilang dalawa ang pagiging single. Kaysa naman masira agad kung magmamadali."

Napalunok ako roon.

Ryder did this for me?

Parang kalahating milyon ang magagastos niya sa 'simpleng dinner' na ito.

Ryder, bakit ganito? Ayos lang sa akin na magkaroon ng victory party pero bakit ganito ka bongga?!

I complained!

I know that I should be grateful, but I can't help but complain!

Ang reply niya pa ay magrerent nga rin sana siya ng room—iyong 360 room! Jusko, bakit niya sasayangin ang kalahating milyon na kwarto na pang isang araw lang?!

You won CESAFI. We should celebrate it.

Pero pwede naman tayong pumunta sa Carbon!

Just enjoy your celebration, Traya.

Dumagdag pa 'to sa problema kong nakafollow sa akin ang mommy at kapatid niya.

"Keri pa girl?" nang mapansin ni Mama Fe na nakahawak 'yung dalawa kong kamay sa pisngi.

"Stressedt"

Tumango lang ito.

Napakagat ako sa labi pagkatapos tanungin ng receptionist kung ako raw ba si Miss CESAFI?

Talagang iyon ang ginawang reservation name ni Ryder!

Ramdam kong nahiya ang lahat kaya ako ang tumango kanina. Isa pa, pinasuot sa akin ang flower crown at sash! Mas nakakahiya tuloy!

"Ano kaba girl? Be proud of your achievement!"

Nasaan na ba kasi si Ryder? Bakit nagpapahatid na naman ang kanyang kapatid?

Dinala kami sa isang exclusive place ng hotel. Mula rito, nakikita ang city lights. Nag-unahan sina mama at mga bakla sa pagpipicture.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Balang araw, dadalhin ko ulit sila rito pero gamit na ang sarili kong pera.

"Hey, Trie!"

Pumasok si Hayes kasama ang magkasintahan, sina Ataska at Colt na mukhang nag-away na naman.

Ataska hugged me. "H-hi, Trie! Congrats again!"

"Thank you dzae! Huy, Colt!" pinansin ko siya dahil mukhang bad mood.

Hindi niya ako pinansin.

Nakipag-usap ako kay Hayes at Ataska habang tahimik lang si Colt sa gilid. Pansin kong tumitingin ito ng lihim kay Hayes.

Nagseselos ba siya? Pero 'di naman magkatabi ang dalawa. May isang space na upuan sa gitna. Nakita kong lumipat ng pwesto si Hayes—sa tabi ko ngunit nag-iwan ito ng isang upuan sa gitna namin.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon