14

4 1 0
                                    

SINUBUKAN kong magretake sa ilang quizzes pero nahirapan pa rin akong humabol dahil araw-araw mayroong quiz.

Hindi na yata ito makatao.

I pleadingly ask for instructors' considerations. Naging madali pa ang pagsuyo sa teachers para magretake kumpara sa suyuin si Wren. Parang siya na nga ang major subjects ko.

Kagaya kagabi, mas inuna kong tawagan siya kaysa mag-aral para sa exam ngayon. How can I study calmly if we're not in good terms? Kung pipilitin ko rin ang sarili, magiging blanko lamang ang isipan. Sayang ang oras kung ganoon lang din naman.

"Puro nalang studies ang excuses mo!" galit niya pang sigaw kagabi.

"Wren, hindi mo alam kung gaano kahirap ang nursing," pagmamakaawa ko. Kailangan ko nang mag-aral, Wren. Please, huwag nang ganito.

May exam ako bukas. Please, huwag ngayon. Huwag sa tuwing may finals ako!

Isa pang rason kung bakit siya nagagalit ay ang pagpapansin sa akin ni Hayes sa social media. Nagcocomment ito sa aking shared posts. Hindi ko nga pinapansin eh.

"Sinabihan ko nga 'yun na layuan ka!"

"Minessage mo?" nagulat ako sa sagot ni Ataska nang ibahagi ko sa kanya ang tungkol sa ginagawa ni Hayes.

Tumango ito. "Alam na may jowa ka!"

Kaya nga... Baka i-block ko nalang siya.

Pero ayaw ko ring ipagtabuyan si Hayes dahil isa siyang mabait na kaibigan. Pero wala akong ibang choice dahil nakakasama na siya sa amin ni Wren. Balita ko nga ay hindi na sila nagpapansinan. Kahit sa kanilang accounts ay hindi na rin sila nakafollow sa isa't isa.

"Kayo pa rin pala ni Wren, Trie?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"O-oo, hindi ko kayang mawala siya."

"Kung ako sa'yo, layuan mo na 'yun. Napakaredflag ng taong 'yun! Tapos ngayon, nagchecheat na naman sa'yo!"

I heard the rumors about him and the speech pathology student here at CDU.

Wala talaga akong lakas para i-confront siya. Parang... ayaw kong may mawasak. Shaky pa naman ang relasyon namin. Ewan. Ayokong maghiwalay kami kaya tatanggapin ko kung may babae siya. Mawawala naman siguro 'yun kapag kasal na kami.

"Oh, bakit ka nalulungkot d'yan?! Dapat ka nga maging masaya dahil may narealize ka! Dzae, mahal kita kaya gusto kong makinig ka sa advises ko."

"Ayaw lang kitang masaktan," dagdag niya.

"P-para sa'yo dzae, dapat ko na ba siyang hiwalayan?"

Sa daming beses niya akong niloko, panahon naba 'to para tapusin...? Pero isa lang ang sagot ko: hindi ko kaya.

"Oo! Baka matulad ka lang sa past ex-girlfriends niya na siniraan ng lalaking 'yun at huwag kang matatakot kung magtatangka siya! Pwede naman nating pakasuhan. Dapat nga, pinakasuhan mo siya sa pagpapakalat non!"

"H-hindi naman daw siya ang nagpakalat."

Eto rin ang topic na hindi ko pa natanong kay Hayes. Kung ano ba ang sinabi ng mga kaibigan nila? Kung totoo ba ang rason sa akin ni Wren? Kaso nahihiya ako. I mean, lalaki pa rin siya. Sensitibo kapag nagtatanong ko non.

"At naniwala ka naman? Inimbestigahan mo talaga? Tama na ang pagiging tanga, Traya!"

Kaibigan ang turing ko kay Ataska pero nang malaman niyang nagkabalikan kami ay lumayo kaunti ang loob ko sa kanya. Alam ko kasing papagalitan niya lang ako. Iba kami ng pananaw kay Wren. Isa pa, ayokong siya ang nagdedesisyon na hiwalayan ko ang isang tao.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon