NAGKITA kami ng papa ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nag-usap kami sa personal.
Nakauwi na ako't tulala pa rin sa nangyari.
Ilang beses kong sinabi sa sarili noon na hindi ko papansinin ang papa ko dahil nagtanim ako ng galit dito. Pero iba pala talaga kapag nandyan na. Kinamusta niya lang ako, nasabi ko na agad lahat ng nangyayari.
Natutuwa ako na nakita ko ang tunay kong ama.
"This is not the last time that we will see each other, Traya."
Napangiti ulit ako ng maalala ang sinabi niya. Panay titig tuloy ako sa screen dahil baka magtext ulit ito. Nawala ang ngiti ko nang makita ang text si Ryder. M-muntik ko na siyang makalimutan!
Nakauwi kana?
Yes, noy! Sorry pala kanina ha. Can we talk a bit?
May date sana kami at nakapagbihis na siya ngunit nag cancel ako dahil biglang nakipagkita si papa.
Kumain ba kayo ng alimango?
Napasimangot ako nang maalalang lalabas nga pala kami ngayon dahil nagcracrave ako ng alimango.
Hindi eh. Sushi ang kinain namin.
Ay. Hindi pala na "cravings satisfied" ang beshie ko na 'yan?
Gusto mo lumabas tayo?
Napapikit ako dahil may trabaho pa ako bukas. Kaya sinabi kong sa susunod nalang.
Natanggap ako sa isang maliit na kumpanya rito sa Cebu. Maliit lamang ang sweldo pero ayos na muna sa akin basta may makain. Fourteen nga lang kaming lahat ng empleyado.
Naubos ang oras ko sa pagkukwento kay Ryder tungkol sa nangyari ngayong gabi hanggang sa inantok ako.
Ikatlong araw ko na sa trabaho at so far masasabi kong maayos naman ang environment. Isa itong local clothing brand at mas bata sa akin ang CEO. Nakakatuwa nga eh.
Ang mas nakakatuwa pa ay self-earned ito. Laki rin sa hirap at kasalukuyang nag-aaral sa SWU tungkol sa pag dedesign. First year student.
"P-paano mo naisipang magtayo ng kumpanya?"
"Hmm, at the age of 16 'yun. Nagsimula ako sa pagtitinda ng pre-loved clothes hanggang sa nagtayo ako ng sariling ukay-ukay."
"Sa loob lang ng dalawang taon, nakilala na ang brand mo. Sinusuot ng ibang celebrity sa magazines at endorsement shoots!" hindi makapaniwala kong sabi.
"Sinuwerte rin talaga ako dahil sa five loyal employees ko. Ngayon, fourteen na kayong lahat!"
Pumalpak kaming lahat. Isa pa sa naging achievement ng kumpanya ngayong taon ay nakapagpatayo na ito ng first-ever physical store. Magbubukas na nga ito next year.
Inisip kong imbitahin si Ryder.
"May kilala ka bang model?"
"Para sa opening ma'am?"
Napaisip ako. Si Sheryl o Ataska pero abala si Ataska sa internship niya. Baka si Sheryl ay mapadalhan ko ng mensahe.
Ipinakita ko ang picture niya sa boss ko.
"Oh! I remember her dahil sa SWU rin ako nag senior high. Ikaw nga pala 'yung Miss CESAFI sa batch niyo!"
Napaubo tuloy ako ng wala sa oras. Nang marinig iyon ng kasamahan ko ay nagulat din sila.
"Alam mo, bagay sa'yo maging model! Ikaw nalang kaya!"
"M-ma'am, hindi po ako nagmomodel."
"Eh, beauty queen ka nga! Siguradong alam mo kung paano tumingin sa camera."
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...