26

4 1 0
                                    

IT TOOK me a while to adjust.

Nakakahiya palang makipagsabayan sa mas bata pa sa'yo pero hindi naman paligsahan ang buhay.

Buti nalang may mga kaklase rin akong limang taon ang tanda sa akin. Kahit papaano ay nawawala ang hiya ko. Iyong iba pa ay mayroon ng mga anak.

Gusto kong maging regular student next year. Kinausap ako ng department at ang sabi nila ay kailangan ko lang mag summer at pasukan sa free time ang ibang subjects. May minor subjects naman na credited sa akin. Dobleng effort lang talaga.

Mahirap maging irreg dahil wala kang close tapos 'yun nga, mas bata halos sa akin. Isang o dalawang taon lang naman ang agwat namin pero maraming panay tanong kung bakit daw ako lumipat. Naikuwento ko kasing galing akong CDU.

Kagaya ngayon, mag-isa lang ako sa bench. Wala akong kasama. Hindi na estudyante si Ryder. Kung bakit naman kasi two years ang agwat namin?

Hays. Bakit gragraduate muna sila bago ang internship? Dapat pareho sa ubang kurso na internship muna bago grumaduate.

"Ate, mahirap po ba ang nursing kaya kayo nagfail?"

Hindi ko alam ang isasagot sa tanong ng isa kong kaklase. Totoo naman na nahirapan ako pero hindi ako bumagsak.

"O-oo, mahirap," sabi ko nalang.

Hindi ko alam pero kung may mga classmate kayong hindi niyo kaedad o irreg ay huwag na panay tanong. Hindi sila komportable niyan kahit na sabihin nilang ayos lang.

Hindi komportable pero hinayaan ko nalang. Sabagay, katatapos lang nila sa highschool kaya mapapasabi ka talagang hindi pa sila matured. I'll let them expore.

I started again as a freshman student, so I became the "ate" of the group.

"Wala tayong printer!"

"Magkano bang magpaprint?"

"Five pesos daw per page. Eh, 100 pages 'to?"

Nagkatinginan kaming lima.

H-hindi ko kaya.

Lagpas sa bulsa kong gumastos ng ganyan para sa isang activity lang.

"Sa inyo nalang!" sabi ng isa kong groupmate sa isa naming kasama.

"E-eh? Ba't sa amin? W-wala na akong ink!"

"Paano 'to te?!"

Wala pang mayroong laptop sa amin. Badtrip.

Napakahirap 'yung walang sariling laptop at printer.

Hindi man ako ang tumayong leader pero ako ang ate kaya gumawa ako ng paraan. Naglibot ako hanggang Colon para maghanap ng murang printer shop ngunit nabigo ako. Bukod sa parehas lamang ang kanilang mga presyo tapos colored ang ipapaprint namin ay maraming nakapila.

Alam kong nasa duty pa si Ryder pero humingi ako ng tulong sa kanya. Sakto naman pala at pauwi na pala ito. Napaaga dahil nabago ang schedule nito.

Pinapunta niya kami sa condo niya kaya nagtaka ang mga kasamahan ko. Sikat kasi ang condo na ito bilang mahal. Kung kaya ko lang gawing mag-isa, hindi na ako magpapasama.

"Mag-asawa kayo te?!"

Pati ako ay nagulat dahil may isang malaking picture frame—picture naming dalawa ni Ryder. May solo pictures din ako—teka saan niya kinuha ito?!

May senior high school pictures din ako—wait nang stalk ito?!

"Jowa mo te, yaman niya ah!" bulong ng pandak kong kaklase. Hindi namin siya groupmate pero nakisama dahil kaibigan niya ang isa kong groupmate.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon