9

8 1 0
                                    

PUMIKIT ako para makangiti ng malaki sa picture. Isesend ko 'to kay Ataska mamaya.

"Nice smile."

Napatakip bigla ako ng mukha nang makitang nakataas ang cellphone ng letseng Ryder na ito!

"I hate you, Ryder!"

"Oops—the more you hate, the more you love!"

Pinadidirian ko siya...

"Oh, galit ka n'yan?"

Pagkatapos ay inirapan!

"Bagay talaga sa'yo ang pangalan mong Noyence, because you're so annoying!"

"Noy" nga dapat ang itinatawag sa kanya.

"Hahaha!" at nagpatuloy ito sa routine niyang pagbibigay ng pick-up lines. Nag-insist pa itong kinilig daw ako kaya nagsusungit ako para matakpan ang totoong feelings. Eh hindi naman! Che!

Ang aga-aga, kacornyhan niya ang bumubungad sa akin. Pangit pa naman ang mga banat niya, kasingpangit ng pagmumukha niya!

"Sinusundan mo ba ako?!" inis akong sumigaw.

"Luh. Manonood din ako ng CEFASI. Ikaw, sinusundan mo ba ako?!"

Napapikit nalang ako bago siya ulit inirapan. Naalalang minsan na akong napahiya sa kanya.

"Susuportahan ko ang crush ko rito!"

I used this term since we are not lovers anymore, and I cannot still accept the fact that I'm already his ex.

"Talaga? Hindi naman ako maglalaro," sabay sunod sa akin.

"Kapal. Hindi kita type!"

"Diyan nag-uumpisa lahat," sabay halakhak.

"Patapos na ang speech! Ayan na!" excited kong sigaw habang winagayway ang mahahabang balloon na ibinigay sa amin ni Colt. Kararating niya lang kanina galing sa Australia at halatang wala pa itong tulog.

Nagsimula nang maghiyawan ang lahat habang naghihintay sa opening prod. Nakita kong inabutan ako ni Ryder ng tubig.

"Inom ka muna baka matuyo ang lalamunan mo mamaya."

Kinuha ko lang ito pero hindi ako uminom.

"Tubig ka ba?"

"Coz my heart is too big at kasya ka rito," at nagawa niya pang bumanat kahit nagsiksikan na ang mga tao!

Nakita kong kinilig ang iba sa amin at tinulak-tulak ako kay Ryder.

"Tubig kaba?"

Lumiwanag ang kanyang mukha. "B-bakit?"

"Kasi uhaw ka sa atensyon!"

Papansin!

"Go, Ataska!" sigaw ko na kumukuha sa pansin ng iba dahil hindi pa sila lumalabas ang mga kandidata.

"Go, Queen Stallion!" sigaw ng iba.

"For sure my girlfriend is f*cking gorgeous today!" sabi ni Colt habang dala-dala ang isang banner. Nakaheadband din ito na may nakasulat na pangalan ni dzae.

Sumabay ang sigawan namin sa napalakas na music ng opening prod nila. Napapalakpak ako ng sobra. Para sa akin, isa si Ataska sa nangingibabaw dahil sa simpleng suot nitong blue top. Bagay ito sa maputi niyang balat. Malaki rin ang pag-asa ng galing sa USJR. Morena ito at eleganteng tingnan sa bagsak niyang buhok. Hindi ko rin maipagkaila na tumitingkayad din si Miss Velez.

Sa totoo lang ay hindi ko maiwasang manliit sa sarili.

Paanong hindi ako ipagpapalit kung ganyan ang pagkakagawa sa mukhang niya? Tang*na. Wala akong kalaban-laban.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon