THE IMAGE of Ataska was widely circulated throughout the press.
A commotion happened after CEFASI Pageant. Nagkaroon ng away si Ataska at Deborah. Ayon sa aking dzae, hindi raw tanggap ng babae na siya ang naging first runner up. Deborah finished as the second runner-up. At least, she was still placed! Not bad, though. Si Miss USJR ang itinanghal na panalo.
I heard some of the Stallions express their disappointment in Ataska. Ang sabi nila, sana hindi nalang daw niya pinatulan ito. Mas lumaki ang gulo; nakisali ang ibang estudyante dahil nga galing ang dalawa sa CDU at Velez. Nagkaroon tuloy ng meaning. Nasira raw ang moment ng nanalo dahil sa nangyari.
Hayes was there to pull me away from the chaos.
"Alam kong best friend mo 'yun pero umiwas kana sa gulo. Hindi naman required na isalba ang kaibigan sa ganoong klaseng gulo na hindi ka involved."
Aayaw sana ako ngunit nagkumpulan na ang maraming tao. Nag-aalala pa ako dahil hindi ko na makita ang dzae mula sa kinaroroonan. At naging tama ang hinala dahil nagkaroon ito ng maraming pasa sa katawan. Kasalukuyan itong nakaconfine sa kanilang hospital. Hindi ito pumasok sa paaralan ngunit balita ko ay professors mismo ang pumupunta sa kanila.
I want to visit her someday, but their hospital is far from my home. Walang maghahatid sa akin. Wala rin akong pamasahe. Tanging texts at tawag lang ang nagagawa ko.
Only Ataska's name was printed badly by the press because Deborah's mother was a famous journalist. Given na maraming issue ang kanilang ospital. Umabot na nga sila sa kaso-kaso dahil sa humiliation na natanggap ni dzae. Nakikita kasi sa video na siya ang unang humablot ng buhok ngunit sa backstage pa raw ay si Deborah ang nanguna. Ang sabi pa ng haka-haka ay hindi muna magkakaroon ng CEFASI next year.
Kalalabas ko lang ng exam hall, binuksan ko agad ang cellphone para basahin ang text ni Wren. At nagreply nga siya! Nag-uusap kami ulit. Ayon pa sa kanya ay break na sila ni Deborah. I tried to open up about what happened during the CEFASI pageant. Ang sabi niya ay ganyan daw talaga ang mga babae, nag-aaway para sa korona.
Tapos na ang exam? Time ko na ba?
Dahil doon, mas binigyan ko siya ng maraming time kaysa mag-aral. I can clutch naman siguro para mag-aral sa susunod na exam. Lowbat na ako kaya pinagtitiisan ko ang sirang powerbank habang nagchacharge para makapagreply pa rin on time. Maya-maya ay nagpaalam ito para magcharge.
Dumiretso nalang ako sa pungko-pungko at nadatnan si Hayes.
"Oh? Napapadalas ka rito sa CDU?"
"Itetext nga sana kita para kumain."
"Taga CDU ang nililigawan mo?" pabiro kong tanong.
"Oo, kung papayag siyang liligawan ko."
"Wala kang training ganitong oras? Hindi kana nagbabasketball ah? Magshishift kana ba ng sports like volleyball?" tumawa ako sa dulo.
"Hindi ako marunong magserve ng bola. Acts of service lang ang kaya kong gawin," sabay kuha ng ketchup para lagyan ang pagkain ko.
"Uy, dahan-dahan baka marumihan ang white uniform mo!" siya na ang naglagay ng sauce sa lahat ng pagkain ko.
"Patong mo nalang 'yang bowl sa iPad ko para 'di ka marumihan," siya na mismo ang gumawa non.
"I-iyong case mo!"
"Hindi 'yan mapapasok sa ilalim, and it's okay. Marami—may extra pa ako," sabi niya pero nagdadalawang-isip pa rin ako. Kung hindi ko naman ipapatong ang bowl sa iPad niya ay baka madumihan nga ang uniform ko.
Nahihiya ako pero hindi naman ako pinagtitinginan ng mga estudyante na siyang ikinababahala ko. Ginagawa nga nilang pampatong sa ulo ang iPad sa tuwing dumadaan sa init. Ako lang ang walang iPad.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...