3

12 2 1
                                    

LUMAKAS lalo ang ulan.

"Mukhang walang pasok Traya dahil may bagyo!"

"Wala pong bagyo lola. Malakas lang taga ang ulan."

Hindi uso ang class suspension sa college.

"Nagtimpla ako ng gatas. Nagluto rin ako ng champorado..." nanghihinang sabi ni lola habang nilalagyan ang plato ko.

Gatas? Para sa edad na katulad ko?

"Kumain ka muna bago ka umalis."

Hindi sana ako kakain pero...

"Upo ka muna d'yan apo. Eto, 1,000 baon mo."

Nagulat ako sa laki ng perang ibinigay niya. Tinggap ko nalang. Iniisip ko nalang na magtipid. Pagkatapos noon ay aalis na sana ako pero narinig kong umiyak ng malakas si Alexa, ang anak ng tita ko. 12 days old pa lang ito at hindi ko alam ang gagawin.

Sinubukan kong patahanin ito ngunit mas lalong lumakas ang kanyang pag-iyak.

"Shh..." naiinis kong sabi sa sarili. Malalate na ako!

Malayo pa ang Mandaue at malakas pa naman ang ulan. Kailangan ko pang hanapin ang butas para hindi masira ang sapatos ko.

Speaking of "butas", napasigaw si lola nang mabutas ang bubong namin!

"La!" pupuntahan ko sana siya ngunit hawak-hawak ko ang bata at umiiyak ito ngayon.

Paano ba patahanin ito?!

Wala si tita, umalis nang maaga para magmajong. Mamayang gabi pa 'yun uuwi.

Nagpasalamat nalang ako na medyo humina ang ulan. Pinapasok ko muna sa silid ko si lola at ang bata dahil wala namang butas ang kwarto ko. Pagkalabas ko, nadatnan ko ang mga kapitbahay na nagkwekwentuhan kahit nakapayong.

"Nagshift ka?"

Huh?

"Ulan po kasi bako marumihan ang uniform ko."

"Balita ko maraming bumagsak at nagshift sa CDU. Sa CDU ka pala nag-aaral?"

"Aalis na po ako!" dali-dali akong tumakbo at humiling na hindi sana masira ang butas na ginagamit ko.

Ano paba ang bago? Puro pangingialam sa bahay ng iba ang ginagawa nila.

Kanina pa ako nakatutok sa Facebook. Ataska told me to block him, but I cannot do it. Kahit maunfriend ay hindi ko kaya. Naghihintay pa rin ako sa posts niya tulad nang ginagawa ko noon. Blinock ko siya sa messenger ngunit in-unblock ko ulit kanina.

I can't get over him.

Maraming post agad ang girl tungkol sa kanila at nanlumo ako nang makita ang comments ng kaibigan nila. Tila'y suportado sila.

Sadly, I felt insecure. Maganda at sexy ang babaeng ipinalit sa akin. Famous din ito sa social media at may kaya. May iba't ibang talento rin na maipagmamalaki.

Third monthsary? So, sila na kahit hindi pa kami naghiwalay? Kahit hindi ko pa nadiskubre?

Nasasaktan ako dahil kilala na siya ng pamilya ko. Sinasama ko nga siya sa tuwing kumakain kami ni lola sa mall. Nasanay na si lola sa kanya at panay tanong ito tungkol sa kanya. Hindi ko pa nga pala nasasabi kay lola.

Nanlaki ang mga mata ko nang magsend ito message.

Nagsorry siya!

After weeks of waiting for his message, nagparamdam ito ngayon!

Nagsorry ito dahil sa pagchecheat sa akin. Ipinaliwanag niya rin sa akin na hindi siya ang nagpakalat ng n*des ko. Binuksan daw ng kaibigan ang account niya dahil humihiram ito ng laptop tapos sinesend sa iba. Hindi raw siya ang may gawa non. He misses me.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon