NAGULAT ako nang makita si Kobe, ang aso ko!
"Paano ka nakabalik dito?"
Ngunit naputol din ang aking kagalakan nang mapansing nilalagnat ito.
"K-kobe, kung doktor lang ako ay ginamot na kita."
Sinubukan ko siyang alagaan. Nauubos na ang pera ko pero para sa aso ay ayos lang...
Marami akong naririnig tungkol sa mga bagong babae ni Wren.
Actually, wala na naman akong pake. Chismis ang lumalapit sa akin.
May pinost kasi siyang picture kasama ang babaeng nakablue na spaghetti. Ayon sa kanila, sikat na influencer daw 'yun sa Cebu.
"Law student, Trie."
Tingnan natin kung hanggang saan kaya siyang ipaglaban.
Iyang palowkey lowkey ni Wren sa babae, alam ko na 'yan. Saulo ko na kung saan patutungo 'yan.
Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi naman ako bitter. Bilang isang babae na naranasan ang ganyang bitag, parang gusto ko siyang isalba.
Naranasan ko na 'yan eh. Wala na akong pake kay Wren o magbalikan kami dahil hinding-hindi na. Ang sa akin lang, kawawa ang babae kapag nahulog sa panloloko niya.
"Nakakaloka talaga!"
Kaybilis ng panahon. Second semester na at mas nagiging practical ang lahat sa nursing. Dagdag pa ang pagod tuwing retdem.
Kailangang pag-aralan ang activity bago ang session tapos pag-uwi ay gagawa ka pa ng laboratory report. Idagdag mo pang maaga ang klase.
May break naman pero nakakain na sa pagsasagot ng observations. Kailangan pang on-time ang submission.
Nakakapagod masyado.
Namromroblema na nga ako kung sino ang magiging pasyente sa retdem sa videos na ipapasa. Wala naman akong jowa.
Si Ataska lang ang malapitan ko ngunit kailangan niya ring tapusin ang assignments niya. Masaya ako nang marinig na si Colt lahat ang magiging pasyente sa video. Sa akin, sino ba? Tatlong videos ang kailangan kong gawin ngayong linggo.
Maraming pumapasok sa message request ko pero parang natrauma na ako. D'yan din siya galing. Para ayoko nang mag pasok ng lalaki sa buhay. Ang resulta rin naman ay puro sakit.
Focus muna ako sa studies.
Wala akong ibang ginagawa tuwing break time kundi ang patulan lahat ng message ni Ryder. Nagawa niya pa akong ibudol. Ang sabi ko ay nagtitipid ako pero nagugutom, nagreply ba naman na bumili ako.
L*ntek na tiyan. Ayaw huminto sa panghihingi ng pagkain. Simula nang magacollege ako, palagi akong gutom.
"Walang problema sa pag-order ng pagkain kung mayroong pambayad. Ang masama roon ay kung wala ka ng pera," basa ko sa reply niya.
T*ngina. Napakahelpful niyang kaibigan. Dapat ay pinipigilan ako!
Hays. Wala na talaga akong pera. Grabe, ganito naman ako kagipit dati pero nagagawa ko pang bilhan ng sapatos at pagkain si Wren?
Paano ko nagagawa 'yun? I need that skill back! Kailangan kong bilhan ng mga gusto ang sarili ko ngayon.
Thinking of the amount of money that I invested in that guy. Nakakap*tangina.
Nakakaguilty. Hindi pa ako nagtatrabaho noon. Kung tutuusin, pera 'yun nila lola. Tapos sasagi sa isipan ko na naghihirap kami ni mama. May mga padalang pera rin si tita na itinabi ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...