INABOT kami ng madaling araw sa pagkwekwentuhan ni Ataska. Iyon din ang dahilan kung bakit tanghali na kami nagising.
Paglabas ko, nakita ko si Ryder na lumabas sa condo.
"Gising na pala kayo, ma'am! Diyos ko si sir pangatlong beses na nag-init ng ulam!"
Ipinaliwanag niya rin na bumaba nga ito ngayon para bumili ng mantika, naubos na kasi.
"Sinisigurado niya talaga na mainit ang kakainin niyo. Ang sweet talaga ni ma'am sa pinsan niya!" humagikhik si yaya.
The whole clan really treats Ataska as a princess, no? She's so lucky.
"Ma'am Ataska, tumawag pala ang mommy niyo na pupunta raw kayo mamaya sa temple!"
Nabitin tuloy ako sa pag-inom ng tubig. Dapat pala ay hindi ako nakitulog! Parang nakadistorbo tuloy ako!
"What time?! Omg! I have two hours left para mag-ayos!"
Sa kanyang reaksyon, alam kong limang oras ito nag-aayos.
"Finally!" sigaw ni Ataska matapos mag-ayos si Ryder ng lamesa. Pagbalik niya kanina, ininit niya ulit ang ulam.
"You know how to cook a Filipino dish pala, Der?"
Bakit? Hindi pala nito alam ang adobo?
At ang kanyang niluto nga ngayon ay hindi ako pamilyar pero Filipino food daw eh. Feeling ko, hindi ako Pilipino o pangmayaman na dish lang ito?
"Shobe, huwag mong ubusin! Tirhan mo si Traya!" sabay agaw ng bowl at nilagyan ang plato ko.
"Nagkaayos na pala kayo? Hahaha! So my reto was effective?"
Hindi ako nakasagot. Nawawala nga sa isipan ko ang ganyan.
"So, nakamove on kana, Trie?! That's great! Kailangan nating magcelebrate, because finally, lumabas kana sa katangahan mo!"
Ako nakamove on na? Parang hindi pa rin. Syempre, minahal ko ng todo ang tao. Kaso, hindi na pwede eh. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako katanga.
Tama na 'yung niloko ako ng ilang beses.
The news came to me that he got a new girl from UC. Wow, parang nagcampus tour ito ha. And I am the CDU representative. Tama na ngang magmove on tayo.
What if I don't want to move on?
I do ask myself this question from time to time. But I don't ask myself that anymore. I tell myself to do it because it's the greatest thing for me.
Nagprisinta akong magpunas ng mesa. "Pakihugas nalang ng pinggan shobe dahil maglilinis pa ako ng motor," sabi ni Ryder.
"Bakit ako?! Andiyan si yaya!"
Nakita kong umiling si Ryder bago tumungo sa akin. "Nasa car wash area lang ako maglilinis kay Noy. Hatid kita pagkatapos."
Ihahatid niya ako eh pupunta pa nga sila sa libingan ng pamilya nila mamaya? Ang bukid na iyon ay hindi pinapasukan ng kahit sino. Nasa Busay ito banda. Pagkatapos kong maligo at nagbihis gamit ang extra clothes ni Ataska, nagtext ako kay Ryder na huwag na akong ihatid at pababa na ako.
"Ataska, una na ako," paalam ko habang nasa loob pa rin ito ng banyo, naliligo na ng isang oras.
"Sure! Text me when you get home already!"
Pasakay palang ako ng elevator. Pagbukas nito, bumungad sa akin si Ryder na basang-basa ang damit—white sando habang may bula ang kanang kamay.
"Hatid na kita!" natataranta siya.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...