40

5 1 0
                                    

TAHIMIK akong umupo sa gilid.

Katatapos lang ng libing ni lola pero mahirap pa ring tanggapin ang nangyari. Hindi ako makakilos ng maayos. Imbes na maghanda rito sa bahay, si Ryder na ang gumagawa non. Hindi rin nagsasalita si mama at tita kaya siya muna ang nagluluto ng hapunan.

Naiiyak na naman ako.

Inakala kong naiyak ko na lahat dati pero may luha pa palang tutulo. Inutusan nila akong magligpit ng mga gamit ni lola tapos may nakita akong liham at pera.

Para sa'yo Trie.. Magtapos ka sana.

Dalawang pangungusap lamang 'yun na may isang libo sa loob pero nagpalobo ng aking puso.

Paano kung pambili niya pala 'yun ng gamot?

Natawa ako sa naisip. Kahit bente pesos lang 'yun, masaya na ako la. Nakakamiss 'yung bibigyan niya ako ng barya dati pambili ng junk food o lollipop.

Tumitingin ako kay tita minsan. Iniwan niya si Jade sa kapatid ng papa nito. Wala kasing magbabantay dahil abala kami lahat sa mga bisita. Ang tita ko sa abroad ay umuwi rin. Nasabi niya pala sa akin na pupunta siya rito sa bahay.

Doon ko lang naalala.

Si Ryder lang ang nag-iingay sa amin sa kusina. Mukhang patapos na siyang magluto kaya pinuntahan ko siya.

"P-pasensya kana, Ryder. Nakakahiya dahil ikaw pa ang nagluto."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "no problem naman nay."

"Dinala pala nila ang stove ng uh—lola mo. Bumili ako ng gasul para magamit niyo. Ipinadeliver ko pa."

"Ha? Magkano 'yun?! Hala dapat kami ang magbayad—"

Mayroong nagbusina sa labas kaya inakala ni Ryder na iyon na ang pinadeliver niya. "Kukunin ko muna sa labas ha! Pakibantay ng prito."

Kinuha ko ang spatula sa kanya.

"Ano Thelma? Bagong lalaki mo na naman ito?!"

"P-pinagsasabi mo? At bakit ka nandito?!"

Nagkasalubong ang kilay ko nang marinig ang tanong ni tita.

Nasa likuran kasi ni Ryder si mama!

Teka—nandito na si tita?!

Pinatay ko ang apoy para puntahan sila.

"Manliligaw 'yan ni Traya."

Tumingin sa akin si tita tapos kay Ryder na katabi ko na.

"Good evening po!" bumati ang katabi ko.

"Tita—uh, tumuloy ka po pala."

"Of course, this is my house!"

Napalunok ako sa sagot niya. Mas lalo akong napalunok nang libutin niya ang mga mata rito.

Tinuro niya ang dingding. "Eto? Ganito ang madadatnan ko?"

Gusto kong umalis nalang dahil sa sinabi niya.

"Nakakatawa dahil buwan-buwan akong nagpapadala dati pero wala pa ring pinagbago!"

Ramdam kong nagagalit si tita. Sa katunayan, mayroon naman siyang karapatan na maramdaman ito. Saksi ako kung paano ginagastos nila mama ang pera. Binibili nila ito ng luho imbes na gastuhin sa bahay.

Sumagot si mama. "B-babayaran ko lahat ng nagastos mo. Huwag kang mag-aalala dahil ipaparenovate ko ang bahay!"

"At saan mo kukunin ang pera? Tindera ka nga lang—hindi naman sa pang-aano ha? Huwag mong sabihin na babalik ka sa dati mong trabaho eh may dalawa ka nang anak?!"

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon