1 month na rin after nung engagement party at ibig sabihin non malapit na rin ang big day ni Karl. Putek! Ano ba naman 'yan bakit ang sad ng atmosphere dito! Hayyy...pero oo nga malungkot nga talaga.
Wala na daw dahilan para tumira sila sa isang bahay dahil magpapakasal na 'yung dalawa sa mga kaibigan nila, meaning may sari-sarili silang buhay kailangan ng privacy. Tama nga naman sila. Pero kung nagtataka kayo kung san na ako titira after nito. Ay nako! Uuwi na ako! Yehey haha charot.
Ibig din sabihin 'non maiiwan na lang dito si Cheska mag-isa.
At eto ako ngayon nakatayo sa pinto ni Cheska. Dadalhan siya ng pagkain. Kakatok ba ako o hindi?
Kakatok na sana ako pero...
Hay oo na nga! Hindi na kasi siya lumalabas ng kwarto after non.
Kahit na sinusungitan ako nito, kailangan niya naman ng kaibigan. Hindi ba?
Ok... *tok tok*
Walang sumagot. Isa pa... *tok tok* pagkatapos ng ilang segundo, isang matamlay na "Ne..." ang narinig ko.
"Cheska, pwede ba ako pumasok?" hindi siya sumagot pero narinig ko ang door knob na nagclick. Huh? Nilock ba niya? O binuksan?
Sinubukan kong buksan...oh! Bukas! Dahan-dahan akong pumasok.
Ay putek!!!
Bumulantad sakin ang nakakalat na posters ni Niel na punit punit! Mga gamit niya nakakalat. Jusko anong ginawa niya sa buhay niya!
"Cheska!"
Hinanap ko siya at nakita kong nakabalot siya ng kumot. "Juskong babae ka. Ginagawa mong miserable buhay mo!! Napano ka!" -syempre sa isip ko lang nasabi iyon, pero ang nasabi ko lang ay...
"Napano ka?"
Nakabalot pa rin siya sa kumot. Hayy nako. Nilagay ko ang tray sa side table at tumayo sa tabi ng kama niya.
"Cheska kumain ka muna." pinat ko siya ng dahan-dahan.
"Uhm...shileo..." (I don't want to...)
"Cheska...kailangan mong kumain..." Hindi siya sumagot. "Cheska... Chesk---" bago ko pa man masabi ang pangalan niya ng buo ay bumangon siya at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit.
"I SAID I DON'T WANT TO!!! AND WHY ARE YOU HERE?! HUH!!?"
Eto nanaman ba tayo? Ayy! Sanay naman ako dito! 'Yaan mo na! Ang importante matulungan ko 'to.
"Binuksan mo kasi ang pinto eh." sagot ko na resulta na tumingin siya sakin at magbato ng unan.
"GET OUT! NAKADA!!" (Get out!)
Juicemiyo! Dali-dali naman akong umexit sa kwarto niya kahit na magkandadapadapa ako. Phew! Sinarado ko na ang pinto ng may nakalimutan ako.
Ayy! Kukunin ko pa ba?! Isip Lorraine isip! Ayyy oo na nga! Eto na!
*tok tok*
"WHAAT?!" ay kabayo! High blood masyado -.-
"Ah...uh...may nakalimutan lang!" Dahan-dahan ko namamg binuksan ang pinto at dali-daling kinuha ang tray!
Nang malapit na ako makapunta sa pinto, napatigil ako ng bigla akong tawagin ni Cheska.
"Yah!"
"Uhm...bakit?" Tiningnan niya muna ako at bumaba ang tingin niya sa tray. "Where are you taking it?"
"Ah...eh...eto ba? Diba sabi mo you don't want to eat? So ayun kinukuha ko."
Napa-"tss" naman siya at nagsalita.
BINABASA MO ANG
Ticket To Your Heart ♥
RomanceIsang inosenteng, makulit na girl next door, na walang kamalay malay ang mapapadpad sa mundo ng mga magaganda at guwapong---- (oops, masyado yatang OA.. ahh! basta!!) Basahin ang "adventures"(?) ng babaeng nagngangalang "Lorraine" at kung paano siya...