"WOOOHOOO!!! HAHAHA!!"
Putek! Loko! Ano ba 'tong kasama ko kanina pa sigaw ng sigaw! Porket naka mustang feel na feel! Hindi naman sakanya!
Pumunta kami sa bahay nila. Sakto andon si Ethan. Medyo natagalan pag-uusap nila, ewan ko, nanghiram lang ng sasakyan eh. Pag labas nga ng bahay, nakasalubong yung kilay niya tapos hindi nagsasalita. Pero nung inopen na niya yung bubong nagstart na siyang sumigaw. Hay...
May something kaya sa pag-uusap nila?
"Uhm... Niel?! NIEL!?" itry ko ngang itanong sakanya.
"YES, WHAT?! WOHOOHOOO!! YEAH!" sagot niya sakin habang tinataas pa ang isang kamay niya sa hangin.
Mukhang masaya siya at ngayon ko lang nakita siyang ganyan. Ih! Huwag na nga muna!
"YAH! YOU'RE SAYING SOMETHING?" sabay ngiti sa hangin.
"Ah! WALA! WALA LANG IYON! SIGE DRIVE KA NA!"
~
Hay salamat nakarating na kami sa bahay ni Vincent. Medyo malayo pero carry lang. Naisipan naming pumunta dito kasi kakamustahin namin siya kung ano rin ang nangyari sakanya ngayon. Pinapunta din namin si Tran.
Yung nangyari naman kahapon. Pilit kong hindi iniintindi 'yon...katulad nang ginagawa niya.
*ding dong*
Pagkabukas ng pinto, bumungad samin si Mrs. Park, ang nanay ni Vincent. Nagbow kami at binigay ang prutas na binili namin para sakanila.
Nang makapasok kami, pumunta na kaagad kami sa kwarto ni Vincent. Nung binuksan namin, aba't parang hindi niya narinig yung pinto! Busy sa kakaplay station.
Tumingin kami sa isa't-isa, mukhang alam na kung anong gagawin.
"VINCENT!"
Nang lumingon siya kay Niel saktong tinakpan ko yung mata niya. Lumapit si Niel at pinagkikiliti ito.
"Hahahaha! Hyung! Kumanhae! Hahaha! Ya---hah ah!" (Stop it!) Nang tinanggal ko na ang pagkatakip ng mata niya. Hinug niya ako.
"Noona! Waaah!! Bogoshipo!" (I miss you!) Ano ba naman iyan, umiyak na siya! Sabi na nga ba eh!
Habang nagkakamoment kami rito biglang sumigaw si Niel.
"YAH! NUGUYA!? NUGU!?"
Hahaha!!! Biglang sumulpot si Tran sa likod at tinakpan ang mata ni Niel.
"Yah! You! You don't miss me?" sabi ni Tran habang hawak si Niel. Hindi naman namin napigilan ang pagtawa.
~
Pagkatapos nang medyo madramang moment. Nagkamustahan kami. Si Vincent mag-aaral na this coming school year, natigil kasi siya non kaya itutuloy na niya ngayon. Yung nanay niya, si Mrs. Park na manager ng Cuddly Cuties, binigay na ni Cheska sakanya. Tulong na rin sakanya at nagpaalam na ako na magreresign dahil uuwi na ako.
Si Tran...at mayaman na iyan eh! Hahaha! As usual, club, all night daw siya. May bago nga daw siyang girlfriend eh. Akalain mo may long time girlfriend ang loko?! Kaso nagbreak daw sila...biglaan. Ouch </3
"Yah...medyo, medyo lang naman ah? Haha! Lagi kayong magkasama. Anong meron? Kayo na ba?"
O.O
Pareho kaming natigilan sa ginagawa namin. Bigla kong nabitawan yung unan, tapos si Niel muntikan nang madapa. Pffft! Patayo na sana siya non eh.
"HINDE!" sabay naming sigaw na resultang mapatingin kami at umiwas.
"Weh?" sabay ding sabi nina Tran at Vincent. As usual!
BINABASA MO ANG
Ticket To Your Heart ♥
RomanceIsang inosenteng, makulit na girl next door, na walang kamalay malay ang mapapadpad sa mundo ng mga magaganda at guwapong---- (oops, masyado yatang OA.. ahh! basta!!) Basahin ang "adventures"(?) ng babaeng nagngangalang "Lorraine" at kung paano siya...