Brrr...
*SLAM!*
Hay salamat! Naasikaso ko na yung paper works para sa balik PH Lorraine woohoo!!!
Humiga ako sa kama at nag-isip isip sa pinagsasabi ni Ethan.
"I think my brother likes you...but I'm not in the position to say that because I don't really know if it's true." at tumawa siya.
Binibiro lang ako ng kuya niya! Oo tama! Binibiro lang nila ako! Pati si Cheska! Pari sarili ko!
"AAAAHHHH!" huff...huff...kailangan ko na ata magpadoctor, hindi na ata maganda 'to!
"NAKAKAINIS KA KIM NIEL! NIEL KIM! BUSET KA! BUSET KA! ANG LABO MO! BUSEEET!!!"
Bakit hindi na lang niya sabihin na gusto niya ako! Para naman wala siyang naaagrabyado! Teka! Hindi! Hindi ka nga niya gusto! Binibiro ka lang nila! Ih!!! Huff...huff...tubig, kailangan kong tubig...
Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref. Kumuha ng maiinom. Hmmm. Bakit walang tubig? Bakit beer??? Hay! Yaan mo na!
Kumuha ako ng mga beer na kaya kong kunin gamit ng mga kamay ko at nilagay ko sa lamesa, inon ko ang TV at uminom.
Pwe! Ang pakla! Ugh!
~after 30 minutes~
"AAAAHHHHH!!!"
"HAHAHAHAHAHAHA!!!"
*BOOOGSSHHH*
~
Ngggg... Bakit ang liwanag na? Nggg!!!
Tiningnan ko ang orasan sa tabi ko at pagkatingin ko 7:00 AM na!!!
"WOAH!" Napabangon tuloy ako. A-aray! Ang sakit ng ulo ko! A--a--aray!
Ibig sabihin kung nakatulog ako kahapon at ngayon umaga na, ibig sabihin bukas na alis ko! Tss! Wala akong nagawa kahapon! -.-
Habang nagmumuni-muni ako, may narinig akong ingay.
*bump!*
"S--s--sino 'yan?!"
*bump!*
Ano ba 'to?! Moomoo ba 'to?!
"OY! SUMAGOT KA!!!"
Narinig ko namang may bumukas ng pinto sa gilid ko. Kinuha ko ang alarm clock at binato ito. Sa gulat ko, hindi ko na napansin na tao iyon!
Taong nakatopless, basa ang buhok at nakapantalon lang! Halatang bagong ligo! Aba't bakit siya nakatopless kung may pambaba naman siya!!!?
At itong taong ito ay walang iba kundi si...
"NIEL?!"
"AAAHHHHH!!!!"
"OY! BAKIT KA ANDITO?!" Pinunasan niya ang kaniyang buhok gamit ng towel na hawak niya.
Hanggang dito umabot yung talsik!Napabuntong hininga lang siya at tumingin sakin.
"I should be asking you that because this is my room."

BINABASA MO ANG
Ticket To Your Heart ♥
RomanceIsang inosenteng, makulit na girl next door, na walang kamalay malay ang mapapadpad sa mundo ng mga magaganda at guwapong---- (oops, masyado yatang OA.. ahh! basta!!) Basahin ang "adventures"(?) ng babaeng nagngangalang "Lorraine" at kung paano siya...