Chapter 8: Lagot ka kay Haraboji!!! (pt. 2)

158 7 4
                                    

-DINNER-

Hanggang ngayon..nasa isip ko pa rin kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Karl "Noneun yeppeun" ba 'yon? Hay bahala na nga!!!

Nakaupo na kaming lahat sa upuan (natural, saan ba uupo?!) ang haba ng lamesang 'to? Paano kaya nila maabot yung pagkain? Paano sila makakapag-usap ng maayos? Shonga talaga ako! Naalala ko pala may mga maid sila! HAHAHA!

Dumating na yung mga pagkain. Ay...walang champorado. Puro pagkain nila, lobster, hilaw na isdang kulay red, tapos may kung anik anik na kanin na parang may balot na black..eto ba yung sushi? Basta yung pagkain nila yung tipong titingnan mo nalang kase ang ganda ng design kesa kainin mo.

Kasabay dumating ng pagkain, dumating na rin ang lolo ni Cheska na may band aid sa ulo -.- . Hala! Ang sama ng tingin sa akin ni tanda! Napayuko na lang ako at may na feel akong tumawa... Si Niel pala na katabi ko. Pati si Karl ay tumawa rin na nasa tapat ko lang.

Nagstart na silang kumain at siyempre ako, nagdasal muna ng nagbigay daan para mapansin ako ni tanda.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa bigla, dahil nakatitig sa akin si haraboji nila. Hindi kaya may gusto sa akin 'to? Kanina pa tingin ng tingin?! 

Yumuko nalang ako at kumain na.

Nang biglang.....

"Are you ok now, haraboji?" nagsalita si Karl.

"Ne, I'm fine." sagot naman ni tanda. Bigla itong napatigil sa pagkain at... "Who is this girl?" sabay turo sakin ng kanyang hintuturo.

"Uhm..... a friend of ours." sagot naman ni Cheska.

ANONG FRIEND! SINAMPAL, BINALABAG, AT PINAHIYA MO NA AKO TAPOS FRIEND? FRIEND YOUR FACE! <- SABI KO SA SARILI KO SYEMPRE.

"Like Sid?" tanong ni tanda.

"Yeah? Like that... Yeah." - Niel. Nagbow naman ako sa kanya.

"What's her name?"

"Uhm.... her name is----" pero hindi pinatapos ni tanda si Cheska.

"Is she mute? Why speak for her? She can speak! Just like what SHE DID A WHILE AGO!" hala! namumula si tanda! Mukhang iyon ang kanina pang pinuputok ng butsi nito! Lagot ako nito! HALA!

"Ahhh..uhmm...I'm Lorraine Ortega, 18 years old. I'm not Korean, I'm Pinoy. I can speak English but a little bit..ang MIANHAE for what I did kanina." sabay bow. 

Nakita ko naman expression ni Tanda at mukhang impressed. Nakahinga naman ako ng maluwag pero.... "And what are you doing here?" tanong niya sa akin.

Ahhh...uhmmm...paano ba 'to? Baka dumugo ilong ko dito sa English ko! "Ahhh...uhm.."

"Uhmm.. Haraboji, Naega kunyeojareul wihae solmyonggeoya" (trans: Grandfather, I'll explaine for her)

At 'yon na nga mukhang nagkaintindihan sila. Mukhang naiintindihan na ni tanda yung dahilan ba't ako napunta rito sa bansa nila. Hayyy salamat maintindhihin pala yung mga 'to e.

Pinagpatuloy nila ang pag-uusap nila. Ang naintindihan ko lang yata e, yung part na parang pinapagalitan sila at sinasabing huwag niyo nang ulit gawin iyan hah? Ang iyon umuwi na si haraboji nila at nagsipuntahan na sa mga kwarto.

Ticket To Your Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon