"Vincent!"
Huff...huff...'tong batang 'to!? After ng seryosong atmosphere sa bahay biglang aalis? Ano naman kaya problema nito?!
"Vincent!"
Ah talagang hindi ka lilingon? Pasalamat ka nga sinundan ka! Hinagip ko ang kamay niya.
"Vin---" hindi ko natuloy ang pagsabi ng pangalan niya ng nakita ko ang seryosong mukha niya.
"WHAT?!" napaatras ako sa sigaw niya. Huh? Ba't naman ganyan ang mood nito?
"Noona....please, leave me alone, you two...please, just.....go..to---go back to the house, that's more important..." mahina niyang sagot.Ano ba talaga ang nangyayari hah? At bakit.....you two?! Duling na ba si Vincent? Pagkakaalam ko ako lang ang sumunod sa kanya.
Nagulat na lang ako ng may bigla akong narinig na nagsalita galing sa likod ko.
"Karl hyung said to follow you. Is there something wrong?"
Oooh...eto pala, andito pala si Niel sa likod ko. Okay...*gulp*"No hyung, go back inside, I can handle this..."
"VINCENT. Let's go. I know you're in a rush." Matapos nito hinila niya si Vincent at pinasakay sa kotse niya. Leaving me here standing.
"Oh? Ano pa ginagawa mo diyan? Ikaw na nga ang unang umalis, ikaw pa yung maiiwan?"
"Ah! Okay, okay! Papunta na!" Wooh!!! Lorraine FOCUS!!! Ano ba naman kasi--bakit ako pinagpapawisan ng sobra!
~
Tahimik lang sa buong sasakyan, mafifeel ang mabigat na atmosphere na kanina pa sa mall. Ano ba kasi ang nangyayari? Kanina lang engagement...ngayon si Vincent naman?
Kitang-kita kay Vincent na hindi siya mapakali. Si Niel naman hindi mabura ang poker face niya. Walang nagsasalita.
"Uhm...." magsasalita na sana ako ng pumreno na ang sasakyan. Isa-isa at mabilis na bumaba ng sasakyan. Wait lang ha? Nagmamadali?!
Bumati samin ang cute at maliit na bahay na kulay beige at pinaliligiran ng mga puno. Hmmm...siguro kina Vincent 'to....
"Ayyy!!!" napapikit ako. Ano kaya 'yon?! Nang biglang may humblot sakin.
"Arf! Arf! Arf! Grrrrrr!!!!!"
Napaatras kaming lahay sa biglang pagtahol ng tatlong malalaking aso na nakabantay sa harap ng bahay. Ngayon ko lang napansin kung nasan ako napunta at kung sino ang humablot sakin.
....si Niel."Pwede ba tingnan mo muna ang dinadaanan mo! Muntikan ka ng makagat ng aso!"
*gulp*
"S--s--sorry...." kumawala ako sa pagkakayakap niya sakin at huminga ng malalim HAYYY!!!
"EOMMA!!!" tumingin ako kay Vincent na ngayon ay tumutulo na ang luha. Hindi ko talaga gets kung ano ang nangyayari...Pero mayroon sakin na kahit wala akong alam kung ano ang nangyayari, kailangan kong tulungan si Vincent...sila...
Tumingin ako sa paligid at nakakita ng maraming bato sa bandang gilid.
Tumakbo ako para kumuha ng marami at nagsimula ng batuhin ang mga aso na galit na galit na tumatahol sa amin.
Habang ginagawa ko iyon, mabilis na pumasok si Vincent habang pinupunasan ang walang tigil na pagtulo ng luha niya. Matapos noon, sinigurado na muna namin ni Niel na lumayo ang mga aso at sabay na kaming pumasok sa bahay.
~
"EOMMA!??"
Nabigla ako ng pagpasok namin ng bahay. May dumaan yatang malakas na bagyo dito sa sobrang gulo. Lahat ng vase ay basag, pati ang aquarium hindi pinalagpas. Lahat ng libro, nakakalat at ang iba ay pinagpupunit. Ang sofa, pinagsisira.
"Ahjumma???!" pagsigaw ni Niel. Since di ko alam kung ano ang itatanong, hinanap ko na lang ang tinatawag nila. Grabe ang pagkakagulo ng bahay, hindi makatao. Mukhang lahat pa naman nito ay pinaghirapan.
Nakaabot ako sa kusina hanggang sa pintuan palabas ng bahay. Basang basa ang kusina at konting maling galaw mo lang ay madudulas ka.
"Tao po??" Maging sa labas ng bahay lumabas na ako, wala pa rin.
"Tao po?? May tao po ba dito?? Ahjumma???" nabaling ang atensyon ko sa isang pintuan na medyo bukas ng pagkabalik ko. Dahan-dahan akong lumapit dito at kung hindi lang ako maingat siguro natapakan ko na ito.
Napasigaw ako sa nakita ko sa maliit na singaw ng kwarto. May sa kung sinong tao ang nakasukob sa gilid ng kama at mukhang umiiyak dahil sa maririnig mo ang boses niya na humihikbi.
"Vincent! Niel!!!"
Sinubukan kong lumapit kaso ng palapit na ako dito ay bigla itong natumba.
"VINCENT! NIEL!!!"
"Wha----EOMMA!!!" mabilis na pinuntahan ni Vincent ang babae sa loob ng kwarto.
Bumungad sa amin ang namumutla niyang mukha.
"HYUNG!!! LET'S TAKE HER TO THE HOSPITAL! PALLI!!!"
@HOSPITAL
"The patient has cynophobia which is the fear of dogs. She experienced shock, that's why she fainted."
"Is my mom going to be alright?"
"Yes Mr. Park, she just need sufficient rest." matapos 'non ay umalis na ang doktor.
Nandito kami sa hallway ng hospital kung saan ang family members at kasama ng pasyente ay nakaupo. Konti lang ako tao at sobrang tahimik.
Tulala lang si Vincent sa mga panahong ito. Hindi tulad ng masigla at makulit na Vincent na araw-araw kong nakikita.
Nilapitan ko siya.
"Vincent..." hinawakan ko ang kamay niyang kankna pa nakakamao. Unti-unting tumulo ulit ang luha ni Vincent at nagsasambit ng mga salita...
"Eomma...eomma...who e--e--ver did this, he will pay..."
"Shhh..." patuloy pa rin ang pagluha niya. Niyakap ko ito at tila ba parang ang buong katawan niya ay nirest niya sakin. Dahil hindi na niya nakaya ang pagpipigil.
"Shhh... Magiging okay ang lahat Vincent, just because..." sabay pagtahan ko sakanya.
Tumingin ako sa kasama namin na nakatingin sa amin na may halong lungkot na ngayon ko lang nakita sa kanya.
"Uhmm...chogiyo...hwanjaneun dangsin-eul bogosip-seummida." (Trans: the patient wants to see you.)
Mabilis na umalis sa pagkayakap si Vincent at tumayo, pagkarinig sa nurse na nakalabas sa kwarto ng nanay niya. Tumango lang siya sa amin at pumasok agad.
Susunod na sana ako kay Vincent ng hinablot ni Niel ang kamay ko.
Tumingin ako sa kanya with a confused look.
"Leave them alone, it's a family thing."
At ang sunod non ay umalis na kami.
BINABASA MO ANG
Ticket To Your Heart ♥
RomantikIsang inosenteng, makulit na girl next door, na walang kamalay malay ang mapapadpad sa mundo ng mga magaganda at guwapong---- (oops, masyado yatang OA.. ahh! basta!!) Basahin ang "adventures"(?) ng babaeng nagngangalang "Lorraine" at kung paano siya...