Chapter 50: Back to PH!!! (1)

69 3 0
                                    

"Putek! Putek! PUTEK!!!"

Ano ba 'to!! Teka asan na yung iba? Tiningnan ko na lahat ng direksyon na pwede tingnan. Ayun!!!

*beep*beep*

"TEKA LANG!" IH ANO BA KASI 'TO!? BAKIT KASI LATE AKO NAGISING!!

*beep*beep*

"WAIT! ANDALI!!!" Teka, andito na passport, ticket at ibang papeles. OK! Go na!

Tumakbo na ako papunta sa kotse at pumunta na sa airport. Kasama ko si Niel, siya yung maghahatid sakin kina ate na nasa airport. Hindi naman sinabi ni ate na nandito na sita! Tsss...sabi niya gusto din naman niyang magbakasyon. Edi sana tinawag niya ako!!! Para magkasama naman kami!! Hayy...

Kagabi pala nang makatulog ako, hinintay niya daw munang tumila ang ulan para safe makauwi sa hotel. Sabi niya nakanganga pa daw ako habang natutulog. Ihhh!!!

Nang nakarating na kami sa airport, tinanong niya muna kung andyan na ticket ko.

"Oo naman! Dinouble check ko pa nga!" at pumasok na ako sa airport.

~

Nakaupo kami sa mga upuan (natural! XD) dito sa airport. Hinihintay ang flight ko.

Katabi ko si Niel...tulog. -.-

Tiningnan ko ang oras. 5 minutes na lang at balik na ako Pilipinas. Tiningnan ko ang katabi ko, napangiti ako. Bigla kong naalala...nong una naming pagkikita. Muntik pa nga niya binasag yung cellphone ko!

Naisip ko rin yung mga naging kaibigan ko... Si Karl, na laging andyan, si Cheska na masungit! Hahaha! Si Vincent na isip bata at si Tran na pasaway.

Oo nga pala pati si Ethan weirdo.

Napabuntong hininga ako...hayyy...

"At lalo ka na!!!" turo ko sa katabi ko. Hayyy.

"Flight.....to Philippines..."

Ayun na ang flight number ko. Tama na siguro 'to!

Hmmm...

Gigisingin ko pa ba siya? Wag na siguro...ayaw kong maiyak.

"Bye. Thank you...sa lahat. M--ma-mimiss kita, ng sobra..." Nagbend ako para ikiss siya sa cheek. Hindi naman niya alam kaya ok lang.

Kinuha ko na yung luggage ko at pumunta sa mga nakapila.

After ng ilang minuto, ako na ang sunod, pinakita ko na yung passport at ticket ko.

Habang hinihintay matapos ang ginagawa ng babae, hinahanap ko si ate.

Teka sabi niya siya pa nga mauuna!!! Ate naman!!

"Uhm, miss?" lumingon naman ako kaagad.

"Why?"

"Mias, your ticket..." Huh? Napano? To Philippines naman iyan eh.

"Is there a problem?" Tumango siya.

Dahan-dahan niyang pinakita yubg ticket at kinuha ko naman.

"ANO 'TO?!"

"Ticket to your heart... Flight 143"

Ano 'to? Niloloko ba ako nito?

"But miss... This is not my ticket...my ticket is..." Hindi ako makapagpaliwanag ng maayos kasi tumatawa ang babae at may tinuturo. Aba't bastusan?!

"Miss! I'm trying to explain here! Will you listen?!" Pero tumatawa pa rin siya. Teka...hindi lang siya...lahat sila.

Lahat sila nakaturo sa isang direksyon, nakaharap sa isang direksyon at iyon ay sa likodz nang dahil nacurious din ako, tiningnan ko ito.

Ticket To Your Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon