Chapter 34: Karl Lee (What really happened)

93 5 0
                                    

Nang umalis na ang haraboji nila at mukha ng nahimasmasan ang lahat. Umupo kami sa sala.

"What kind of idea is that?! Busonsoria?!" (What's that all about?) sabi ni Cheska.

Halata sa kanya na inis na inis siya. Hindi naman umiimik si Karl.

"SAY SOMETHING!" sigaw nito. Ahh! Ano ba 'to?!! Hindi tumigil! Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.

"Tumigil ka na nga! Kita mong namomoblema 'yung tao!!!" sabi ko sakanya.

"What? Huh... What did you just say?" napalunok ako. Lorraine! Ano nanaman kasing pinag-iisip mo?!?!

"You!" Dinuro niya ako at nilagay niya ang hintuturo niya sa noo ko.

"What do you think you're doing? Being a heroine? Huh?" Napatigil ako.

Tama... Tama siya, ang tanga ko, dapat umupo na lang ako!

"H--h--hindi sa ganoon...p---"

"Pero??? Huh!! Alam mo na ang nangyayari?!" Nilakihan niya ako ng mata.

"Hindi..."

"Hindi naman pala! Mind your own business! Will you?" Wala akong magawa.

"And besides... Nakikitira ka lang dito.. Ay hindi, kung hindi lang kami mabait...no hindi ako mabait, I know. Kung hindi lang sila mabait, hindi ka nandito! Hindi ka naman talaga dito e! YOU DON'T BELONG HERE!"

Tama siya...TAMA ang sinabi niya... Sino nga ba ako diba? Hindi ko sila kaano-ano. Ba't ako nakikialam?

"So stop interfering you b*tch!!!"

*SLAP*

S---s---sinampal ako ni Cheska... Hindi ko alam ang gagawin ko. Hinihingal siya, siguro sa sampal na 'yon...nalabas na niya ang galit niya sa akin. Pero hindi pa ata...

"Speak up! Akala ko ba heroine ka?! Huh?!"

"..."

"Alam mo dati pa ako nagtitimpi sa'yo! What I really hate about you, if you're just wondering is...YOU! AYOKO SA'YO! Ayaw ko sa'yo! Mapang-agaw! B*tch! Wh*re! A--" aakmain niya sana nanamang sampalin ako ng...

"STOP IT!" isang sigaw ang umalingawngaw sa sala.

Napaupo na lang ako sa sahig dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

May ginawa ba ako? May ginawa ba akong masama?

Hindi ako ganoon...bakit? Naramdaman ko ang luha na tumulo sa aking mga mata. Ang sakit ng pinagsasabi niya. Gusto kong ipaglaban ang sarili ko pero parang may nagsasabi sa akin na..

"Bakit ka lalaban? Mapapaaway ka lang."

Sa pagkakataong iyon, narinig ko na may kasagutan si Cheska at may biglang tumulong sa akin patayo.

~

"Uljimaseyo, jebal..." (Stop crying, please...)
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, hindi ko iniintindi ang pinagsasabi ng katabi ko.

"Lorraine..."

"sniff.. Hindi ako ganoon! Ang tanga ko! Dapat hindi ako umiiyak! Pinagtanggol ko lang naman kayo! Ba't ang init ng dugo niya sa akin? May ginawa ba ako?! Wala diba?" Nanahimik lang si Karl.

"Ba't kasi ayaw niya ako?! Alam ko wala akong ginawa!!! Hindi ako ganoon!" patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Sorry."

Humarap ako sakanya at nakita kong nakayuko lang siya.

"I always screw up things. I know I'm not perfect but... I'm trying to be the person that I want to be... I sacrificed a lot of things, A LOT. But still people are the same. Titingnan lang nila ang mali mo. Ni hindi man nga lang nila alam kung ano yung sinakripisyo ko e. Una, kalayaan ko, pangalawa, pangrao ko at ang pangatlo, ang mahal ko. Why? Bakit? Bakit sila ganoon? Why are they all like that?" humarap siya sa akin...umiiyak... "Why?" at humagulgol ito...

"Karl."

Niyakap ko siya. "Sige, ilabas mo lang ang lahat ng sama ng loob mo."

Nang mahimasmasan siya ng kaunti. Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"Karl?"

"Hmm?"

"Yung kanina... Ano ba talagang ibig sabihin nubg sinabi mong "I'm trying to be the person I want to be?" may nangyari ba?" He smiled.

"Do you want to hear another Karl's story? The whole or maybe half?" ngumiti siya. I nod.

Ticket To Your Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon