Nasa loob kami ng sasakyan, brrrr...ang lamig dito! Ba't ba kasi nakalimutan kong na sa Korea ako at hindi sa Pilipinas? Arte arte kase 'yan tuloy...
Napansin tuloy ako ni Karl na nilalamig.
"Feeling cold?" at lumapit siya sa akin, ang puti talaga nito! nagspa-sparkle talaga yung mga mata niya..woah. *.*
"Ah...eh...hindi..ok lang." LORRAINE! ANO KA BA! Naninigas ka nga diyan sa lamig! Nakuha mo pang humindi!
"Sure?"
"Ah...uhmmm"
"Wala pa naman akong jacket, mianhae."
"Ah...no, hindi mo naman kasalanan..."
Napatigil siya at parang nag-iisip. WOAH. Ang ganda talaga ng katawan nito! Gusto ko hawakan yung muscles~ ay!! LORRAINE MGA PINAG-IISIP MO AISHHH!
O.O
Naka-akbay siya sa akin ngayon at kita ko yung maputi niyang braso na may muscles.
Lumapit si Karl sakin at bigla-biglang.....NIYAKAP AKO O.O
"Ahhhh...ehhh...k--k--karl??"
"Wae?"
"Anong gina--ga--gawa mo?"
"Hugging you, para you won't get cold."
"Hindi. Ok lang...ANO BA 'TO?! ahh..ehhh..haha."
Habang nagda-drive si manong driver, napansin ni Niel na nakayakap sakin si Karl at...
"OUCH!" -Karl, pinalo ni Niel si Karl nang pagkalakas lakas.
"What the f---Look! What the heck are you doing?! Eeew?"
"What? She said she's cold Jiltuhago?" (trans: jealous?) at kumawala si Karl sa pagkakahug sakin. Infairness, ang init niya.
"Naega? Jiltu? Eeee! Dangsin---- Is that because of---" hindi na naituloy ni Niel ang sinasabi niya kase tinakpan ni Karl ang bibig niya.
"Ikaw!!! Don't do this to me!!"
"Hahaha, so lame, you should've said---"
"Ahhh! So? I don't want!"
"Maybe your just shy..."
"Huh? Me? No!! I've said it before but....."
"But???"
Ano kayang pinagsasabi ng mga 'to? Kakanosebleed! Titingin na nga lang ako dito sa binatan... *click!* Ang ganda dito, peaceful,andaming puno..tapos syempre may mga buildings din, ang tataas ng skyscrapers nila tapos kalat din yung billboard ng mga boy groups and girl groups.
Patuloy na lang ako sa pag-picture ng tumigil na ang sasakyan. Bumaba kami sa isang crowded na lugar. Brrrr...lamig. TANGA! TANGA LORRAINE! Hindi pa kase nagdala ng jacket!
Ow. "Aray ko! HA!" may bigla kaseng nagbato sa akin ng....Jacket?
"Why? It's for your own sake, if you don't want---"
"No, Thank you! Thank you!" at nag bow ako ng 2x . Galing pala kay Niel...
"Asaan na tayo?: tanong ko sakanila.
"We're now at Gangnam." sagot ni Karl
"Gangnam?" Hindi ba kantan ni Psy 'yon? Yung "Gangnam Style"? Haha. Corny.
"Yeah, there are many people here, so stay close to us." tumango ako.
~
Nagsimula na kaming maglakad. Andami ngang tao! Pero hindi siya katulad sa Pilipinas na kapag maraming tao siksikan. Dito, parang maluwag pa rin kahit maraming tao.
BINABASA MO ANG
Ticket To Your Heart ♥
RomanceIsang inosenteng, makulit na girl next door, na walang kamalay malay ang mapapadpad sa mundo ng mga magaganda at guwapong---- (oops, masyado yatang OA.. ahh! basta!!) Basahin ang "adventures"(?) ng babaeng nagngangalang "Lorraine" at kung paano siya...