"C'mon Alex, we already said yes to Cedrick na. Please, Alex. Please naman."
I slightly open my eyes at inalis ang nakapatong na libro sa aking mukha, tuluyan akong bumangon mula sa pagkakahiga. I even tapped my fingers on the table habang pinadadaan ang dila sa aking mga ngipin. "As far as I remember Ms. Park has already approved my one week vacation, so that means REST to me." Diniinan ko pa ang salitang Rest sa kanya.
"But we already talked about it before Madam approved your vacation di ba?"
Bored akong tumango sa kanya. "But have you forgotten what's my condition?" Nagtaas ako ng kilay, ng hindi siya nakasagot ay inabot ko ang aking cellphone at nagpipindot, and when I saw it. I motioned my phone on his face.
Okay, I will hold a tour in the Philippines, but! Remember this Bobby, BUT! If Ms Park approves my Vacation, I will cancel that Tour! Malinaw ba yan sa iyo?"
"YES! Malinaw na malinaw! Klarong klaro!"
Napapasabunot at napapapadyak siyang naupo sa sofa na nasa aking harapan. Halos maiyak na siyang kinagat-kagat ang kanyang mga kuko sa daliri. As if naman madadala ako sa ginagawa niya. "Bakit ba kasi ayaw mo ng tumapak sa Pilipinas Alex? Hindi ka naman Persona Non Grata doon. Wala ka rin namang warrant of arrest doon?"
Pinaikot ko ang mga mata bumalik sa pagkakahiga sa sofa. Since, approved na ang vacation ko effective today. Balak kong matulog maghapon ngayon, pero heto ang bruhang si Bobby ay dito naman nampepeste. "It's none of your business Bob, Kaya kong mag world tour, but Philippines is not included on my list. Period."
"Ano bang gusto mong gawin ko para lang mapapayag kita? Sige na please?" Lumapit pa siya sa akin at pinagsalikop ang mga palad niya.
"Bobby, pinagbigyan ko na kayo two years ago, kahit ayaw kong mag concert sa Pinas ginawa ko. Imagine, I only went there for my Grand Mother's ninetieth Birthday, but ang ending is, you guys prepared a mini Concert for me."
"Because you said you aren't going back to Ph na kasi."
"Exactly! Now why are you so eager na magtour na naman ako doon?"
"Don't you miss your Abuela?" Bobby grinned at me. "You can visit your Abuela there, don't you like it?"
Sinenyasan ko siya na lumapit, iyonhg ngiti niya hindi pa rin nawawala at mas lalo pa ngang lumaki. When he's face is inch closer than me. Mabilis kong iniangat ang kamay at mahina itong sinabunutan.
"Aray naman Madam!"
"Anong akala mo mauuto mo ako?" Nang-aasar na nginisihan ko siya, kinuha kong muli ang librong kanina ko pa binabasa.
"Sige na nga sasabihin ko na lang kay Cedrick, na ayaw mo na siyang makita at may sama ka ng loob sa kanya."
"Subukan mo lang Bobby, isusumbong kita kay Carlo na may iba kang bagets na sinusustentuhan."
"Arghhh! I hate you na talaga Alex!" Nagmamartsa siyang umalis sa aking harapan habang nagkandahaba pa ang nguso na panay ang balik tingin sa akin. "Hindi mo man lang ba ako pipigilan?" Aniya pa, hawak na ang handle ng pinto.
"Go away, Bob."
"Huhuhuhu" Maarteng iyak-iyakin ng Manager ko bago tuluyan na talagang lumabas ng aking music room. Naiwan akong mag-isa habang nililipat-lipat ang mga pahina ng librong hawak ko, animo binabasa ngunit dumadaan lamang iyon sa aking mga mata. It's been two years simula ng huli akong tumapak sa Pilipinas. Eksaktong pagkatapos ng Chinese New Year ng lumipad ako rito sa Korea, Madam Penelope took everything I needed here. Imagine six months lang ako nag train sa kanya, to think na halos iyong ibang Artist rito ay umaabot pa minsan ng limang taon kung magtraining bago pa mag debut. And there's no guarantee kung may debut nga bang mangyayari. Then after another six months ay umuwi naman ako ng Pilipinas for my Lola, iyon nga iyong biglaang mini concert na muntik ko pang i-cancel If it wasn't for Sir Cedrick.
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...