11---------------------
Avoiding him is not an easy thing to do, but I have to.
Good thing, hindi ko nakikitang sinusundo niya si Animony tuwing dismissal. And avoiding Sven, means avoiding Anee too. I texted Silk, yesterday and I told him na interested ako doon sa offer niya. Kaya naman magkikita kami ngayon, para magpunta sa Recording Studio ng Tito niya.
I straightened my back, when I saw Anee getting inside the classroom.
"Hi Lex!" She greeted me with a wide smile on her face. Na para bang normal ang lahat. Well, mayb for her everything is back to normal. Well not for me.
Tipid akong ngumiti at tumango. Ibinalik ko ang earphones ko sa magkabilang tenga, na sadya kong isinuot sa loob ng uniform ko. Habang nakakabit sa cellphone na nasa bulsa ng aking palda.
Music is my escape. Ever since.
When suddenly, everyone straightened their back too. Pumasok sa loob ng classroom namin ang isang babae. Agad kong tinanggal ang earphones ko sa takot na baka makita niya ito. Dahil sigurado lagot ako.
"Everyone settle down. Go back to your own seats, kung ayaw niyong ako mismo ang magpaupo sa mga upuan niyo."
Daig pa namin ang napasukan ng Dean sa sobrang tahimik. Inilapag niya ang mga papel na bitbit niya kanina sa pinakaunang row ng upuan. "Get one and you know what to do next."
"Ano po ito, Pres?" Tanong ni Darius. Siya iyong nakaupo sa pinakaunang upuan.
"Papel, hindi ba obvious?" Sarkastikong sabi niya at iginala ang tingin. Bahagyang napuno ng tawanan ang buong room. "Sinabi kong tumawa kayo?" At tumahimik din agad.
Pinasadahan ko ng tingin ang papel ng, makakuha na ako ng isa. Questionnaire?
"Long Quiz. Binilin sa akin ni Mrs. Acevedo, since nasa meeting sila ngayon. Forty five minutes." Sumulyap siya sa wrist watch niya. "Forty five minutes, babalikan ko kayo. At tapos o hindi tapos, kukunin ko yang mga test papers niyo." Tapos ay agad niya na kaming iniwanan.
Binuklat ko ang mga papel, para lang mapangiwi. Ang dami! Masakit na bga ulo ko kakaisip, dumagdag pa ito.
Buisit namang buhay ito oh!
------------------
Matapos napakasakit sa ulong Long Quiz na iyon, nagpasya akong sa labas nalang ng Uni mag Lunch Break. Pinaikot ikot ko ang leeg habang nakaupo sa harap ng mesa ko at naghihintay sa inorder kong pagkain.
Usually kapag ganitong lunch break, si Anee ang kasama ko. But since, I'm determined to avoid them. Mukhang magiging pansamantagal ang ganitong set-up ko.Malalim akong napabuntong hininga at hinalo ng straw ang softdrinks na nauna ng naiserve ng Crew kanina. Iginala ko ang paningin hanggang mapansin ko ang pamilyar na bulto sa parking lot. Nakatalikod ito kaya naman hindi ko makita ang mukha niya.
But when she grabbed the man's arm, as if she's begging him about something. Nagtama ang mga mata namin, mabilis siyang nag iwas ng tingin at hinabol ang lalaking tuluyan na siyang iniwan.
Ng bigla nalang marinig ko ang pag ingit ng upuan.
Namilog ang mga mata ko ng mapagsino ang dahilan nito. Hindi pa siya nakuntento at uminom pa sa basong may lamang inumin ko. My eyes settled on his lips.
Those lips...
No. Alexa! Erase! Erase!
"A--Anong ginagawa mo dito?" Automatiko akong napalingon sa labas. What if makita kami ni Anee dito? Alam kaya niyang nandito si Sven?
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...