6
----------------
Arghh! Napakasakit ng ulo ko!
Ilang beses akong kumurap-kurap baka sakaling mawala ang bigat ng ulo ko. Umayos ako ng pagkakahiga ng naramdaman kong parang mabigat yata ang katawan ko.
At halos mapabalikwas ako ng mapansin ko ang dahilan kung bakit nahihirapan akong gumalaw. Abot-abot ang kaba ko habang maingat na inaalis ang kamay sa bewang ko. Tang inis ka Alexa!
Hubot hubad ka!
Nilingon ko ang may-ari ng brasong nakakawit sa bewang ko ng tagumpay na maalis ko iyon. Juskolord! Anong kagagahan ang ganap ko kagabi? Bakit andito si Sven?! Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ng katok sa pinto.
"Alexa?"
Juicecolored! Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Si Silk! Si Silk! Nangangatok! Natatarantang inalis ko ang kamay ni gago sa bewang ko. Napangiwi pa ako ng makatapak ako sa sahig.
Ang sakit shete! Parang inararo yung ibaba ko. Nakangiwing naglakad ako papunta ng CR. Eksaktong pagkasara ko ng pinto ay narinig ko ang gulat na mura ni Silk sa loob. Bakit ba naman kasi sinuko mo ang bataan mo kay Sven, Alexa!?
Paano na future niyo ni Silk niyan?
Wala na! Wala na talaga finish na! Nanlalatang naupo ako sa sahig. Ang sakit talaga ng ano ko, buisit! Sa sobrang lasing o lango o ano nga ba, hindi ko na maalala kung anong buong nangyari kagab----
"Where's Alexa, Sven? Hindi ako nakikipag biruan!" Nakagat ko ang ibabang labi ng marinig ang pagtaas ng boses ng Kuya niya. First time ko marinig na nagtaas ng boses si Silk.
"I don't know okay?! Bakit sa akin mo ba hinahanap eh, kayo ang magkasama diba?"
"Iniwan ko siya dito kagabi, when I came back. Naka locked na yung pinto. So I assumed she's already asleep. Then maabutan ko ikaw ang magdamag na nandito?!" Sumigaw na naman siya. "And you're fvcking naked!"
Nagmumura na si Silk. Dapat ganitong mga moment, maiihi na ako sa kilig eh. Pero ngayon, parang nagiguilty ako. Para sa kanya at para kay Anee. Shit. Ano bang napasukan ko.
Ikaw ang pinasukan, gaga.
Haaay ewan! Sumubsob ako sa aking kamay. Kung hindi ka ba naman kasi Gaga Alexa. Sa dinami dami ng pagsusukuan mo ng bataan kay Sven pa! Anong pagmumukha ang ihaharap mo kay Animony niyan! Kay Silk niyan!
Nanatili akong nakikinig sa kanila, hanggang sa mawala ang boses ni Silk. Ilang sandali pa narinig ko ang mahinang katok sa pinto ng banyo kung nasaan ako.
Hindi ako nag abalang gumalaw at tumayo.
"Alexa, I know you're there. Fix yourself, sasamahan kita palabas. "
Napabuga ako ng hangin. Nanlalata akong tumayo at lalabas na sana ng maalala kong wala nga pala akong damit. Jusko naman! Iniikot ko ang paningin sa buong CR, para lang mapangiwi ng makita ang basang mga damit ko sa sahig malapit sa bathtub.
Nice, Alexa. Paano ka lalabas niyan! Ultimo panty wala ka!
Naman eh! Napapadyak ako sa sobrang asar ngunit agad din akong natigilan ng sumigid ang kirot sa pagitan ng mga hita ko. Tanginis! Hindi na talaga ako magpapaano ulit kahit kailan!
Nilakasan ko na ang loob ko at binuksan ang pinto ng banyo. Hinanap ko si Sven, at mabuti nalang nasa kwarto pa siya. Kasalukuyan siyang nagsusuot ng shirt niya.
"Sven!" May kalakasang tawag ko sa kanya. Agad siyang lumingon sa akin at nagtaas ng kilay. "Lumapit ka sa akin!"
Ngumisi si Gago at lumapit naman agad. "Bakit gusto mo ng session sa CR?"
![](https://img.wattpad.com/cover/55258671-288-k279848.jpg)
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...