25
"Arghhh! This is so frustrating!" padabog akong naupo sa bench na nasa waiting area ng Recording Studio matapos akong bigyan ni Sir Mael, iyong Voice Coach ko. Siya ang iniassign sa akin ni Tito Cedrick ng makapagmeeting kami kanina. I thought it was just a simple appointment. Hindi ako nainform ngayon din pala nila ako mismo itraining.
"Suko ka na?" inabot sa akin ni Sven ang isang bottled mineral water, ngunit agad siyang natigilan ng mapansing nagyeyelo iyon. "Sorry I forgot."
"Nah, it's okay." kinuha ko parin iyong tubig na binili niya. Umupo naman siya sa aking tabi matapos ilapag ang plastic ng mga binili niya sa convenient store na malapit lamang dito sa Studio. Dumaan kasi kami doon para bumili kanina ng inumin din. Sa sobrang kaba ko kasi kanina, nakadalawang bottled mineral water yata ako. At mukhang magiging pangatlo na yata itong binili niya ngayon. "Anyways, how's the Christmas Jingle? Hindi ba magrerecording din kayong tatlo?"
"Yep, but Kuya Sit hasn't confirming it yet, I mean the recording sched wala pang approval niya since medyo busy talaga siya sa kasal nila ni Ate Cha."
Namilog ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya. Ikakasal na ang Kuya niya? Agad namang tumaas ang kilay niya sa akin kasabay ng pag-angat ng sulok ng kanyang labi. He looks so amused dahil lamang sa nagulat akong ikakasal na ang kapatid niya.
"Why you look so surprised? Hindi ba kapani-paniwalang ikakasal si Kuya Sit?"
"Wala sa hitsura eh." Sabay tawa ko ng malakas. Wala naman kasi talaga sa hitsura mas mukhang pang babaero ang kuya niya kumpara sa hilatsa ng mukha niya.
"So you will be surprised too kapag inaya kitang magpakasal?"
Natigil ako sa pagtawa. Pakiramdam ko tumigil ata ng panandalian ang tibok ng puso ko bago iyon parang abnormal na sunod sunod na kumalabog. Ilang beses akong napakurap, hanggang maramdaman ko ang mga kakaibang kulisap na animo naghahalukay sa aking kalamnan. Diyos ko po, pigilan niyo ako Panginoon, hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng kinikilig.
"Oi! You're blushing! Oh my God!" Humagalpak siya ng tawa saka ako niyakap ng mahigpit at animo batang inugoy-ugoy niya pakaliwa't kanan. Nakakaasar, kahit ayokong makaramdam ng kilig ay hindi ko mapigilan.
-----------------------------------
Madilim na ng matapos kami training. Pakiramdam ko nabugbog ata ang katawan ko, kahit pa wala naman akong ginawa kundi ang mag vocalization, hindi ko alam na nakakapagod din palang paulit-ulit na kantahin ang DO-RE-MI. Baka nga hanggang pagtulog ko ay yan parin ang laman ng panaginip ko. Akala ko din dati hindi totoo yung sinasabi nilang bawal sa mga mang-aawit ang matamis at malamig na inumin. Idagdag pang bawal din ang pagkain ng kahit na anong uri ng Nuts.
Kaya ngayon palang parang gusto ko ng umiyak, favorite ko kasi talaga ang Almond Nuts eh. Umingit ang glass door dahilan upang matigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko. Hinahanap ko kasi iyong face powder ko, plano kasi naman ni Sven na sa labas na lamang maghapunan para daw hindi na ako magluto pag-uwi ko ng Dorm at makapagpahinga narin ako.
Pumasok si Silk, bitbit ang itim niyang bagpack "Sabay na tayo umuwi?"
"Sorry, mag dinner pa kasi ni Sven sa labas bago umuwi." Pilit akong ngumiti sa kanya, kahit pa alam kong nagmukha iyong ngiwi sa kanya. Hindi ko lang kasi maalis pa talaga ang hiya at asiwa kapag kaharap ko siya. So, I'm trying to act civil in front of him.
"I see, so I'll go ahead then." Tinanguan niya ako saka tuluyang tumalikod at lumabas ng lounge.
Hindi ko napigilang mapabuntong hininga. Ang hirap parin pala kahit pa naayos na ang lahat ng gusot sa pagitan ng lahat, hindi parin pala maaaring ibalik kung ano kayo noong nakaraan at kung ano kayo ngayon sa kasalukuyan. Dahil kahit sabihin man naming maayos na ang lahat sa pagitan naming apat, naroon parin ang animong isang hindi nakikitang pader sa pagitan ng bawat isa.
Muling bumukas ang pinto at niluwa naman nito si Sven, ramdam ko ang agad na pagsikdo ng dibdib sa simpleng pagkakarinig ko lamang sa kanyang boses. Damn. Hindi ko akalain na mahuhulog ako ng ganito kalalim sa lalaking ito.
"Alexa?"
I always dream for Silk to be my Boyfriend, ni hindi sumagi sa isip ko na mahuhulog ako sa kanya at hindi sa kapatid niya. I always hate him for being a playboy tho, hindi naman makakailang gwapo naman talaga siya at malakas ang dating sa mga kababaihan. I thought I was immune to his charm and sex appeal. But look where I am now?"
"Lei, you okay?"
Why I'm so deeply in love with this guy?
"Hey! Lei are you okay?!"
Bahagya akong napapitlag dahil sa mahinang pagyugyog niya sa magkabila kong balikat. Saka pa lumarawan sa akin ang nag-aalalang hilatsa ng kanyang maamong mukha. Automatiko akong napangiti at agad na yumakap sa kanya, habang wala paring tigil sa malakas na pagkalabog ang aking dibdib. "Nagugutom na ako." Ani ko at ginaya ang mahinang pag-ugoy ugoy na ginagawa niya sa akin kanina.
"Oo nga eh, halata nga para kang nakakita ng masarap na pagkain. Oh well, sabagay. Masarap naman talaga ko." Nang-aasar siyang tumawa sa hindi ko malamang dahilan.
Ano raw masarap naman talaga—
"Siraulo ka talaga!" Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko ng makuha ko ang ibig niyang sabihin. Hinampas-hampas ko siya sa dibdib, sa balikat, sa braso. Habang siya naman ay tawa lng tawa. "Ang bastos mo talaga!"
"Anong bastos dun? Wala naman akong sinabing kahit na ano, maliban sa masarap—Aray!" May kalakasan kong tinampal ang sikmura niya. Aray aray! Eh ang tigas kaya ng kalamnan niya, para di ko alam na may abs siyang hinayupak siya! Akma kong tatampalin ulit iyon ng hulihin niya ang kamay ko at marahan akong hinatak palapit sa kanya and his lips landed on me. Automatikong pumikit ang mga mata ko at ginaya ang mabining paggalaw ng kanyang labi, my heart starts to beat faster than the normal again, as I have need to encircled my arms on his neck.
Pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga sa unti-unting paglalim ng halik na pinagsasaluhan namin, ng bigla ay kumalabog muli ang pintuan. Tumigil siya sa paghalik sa akin, ngunit hindi ako binitawan, sabay kaming lumingon sa pinto ngunit wala namang tao doon.
"Kumain na tayo nagugutom na ako." Saka ko pa naramdaman ang hiya, ng mapansing nakayakap parin ako sa kanyang leeg.
"Mabuti pinaalala mo, tara na at baka saan din umabot pa ang gutom ko." Makahulugang tudyo na naman niya. Na lalo kong ikinapula, agad kong kinurot ang tagiliran niya upang pagtakpan ang kahihiyan. Napakaberde niya talaga! Nakakainis!
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...