SE- 37

567 16 1
                                    


37


Dalawang araw bago ang mismong araw ng kapaskuhan ay lumipad kami nila Sven patungo sa Kalibo, Aklan. Nais daw kasi ng Lola nila na doon sila magdiwang ng Kapaskuhan, at kung hindi rin ako nagkakamali ay mukhang iyon na rin mismo ang kanilang Family Reunion. Wala sana akong bumalak sumama, since it's a Family Gathering ngunit nangako nga pala ako sa kanya na, once bahagyang lumuwag ang schedule ko ay pupunan ko ang mga pagkakataong halos hindi na kami nagkakausap ng personal. 

Kaya naman magkakasama kami ngayong nakasakay ng eroplano. 

Siya, ako si Kuya Sit at si Ate Cha, ang Parents niya at si Silk. Speaking of Silk, he's back being so silent again. Altho, nakakausap ko parin siya ng maayos compared sa mga nakaraang linggo o araw na nakalipas. I rarely saw him spacing out as well, and that's good news anyways. 

Humilig ako kay Sven habang magkatabi kaming nakaupo sa upuan. Halos isang oras lang naman ang biyahe kung tutuusin, pero gusto ko muna sanang umidlip kahit sasaglit. Wish ko lang sana ay maka idlip ako, dahil itong katabi ko ay parang hihikain na sa kakatawa. SInubukan kong ipikit ang mga mata, ngunit dahil nga sa panay ang hagikgik niya ay umaalog din ang kanyang balikat. 

In the end, I found myself resting my head on my own seat. Habang may nakasalpak na earphones sa magkabilang tenga. Finally, I can have a peaceful slumber.


---------------------------------

Sinalubong kami malamig na hangin makalipas ang halos ilang oras na byahe namin mula sa Airport patungo sa Ancestral House na pagmamay-ari ng Lolo at Lola niya. Ipinusod ko ang mahabang buhok, ng bumungad na kami sa naglalakihang puno at nagtataasang bundok sa paligid. Ngayon, naintindihan ko na kung bakit ayaw ng Lola niyang lumipat pa Maynila. Nabanggit kasi sa akin ni Sven na kinukuha na ito ng Mommy niya, para sa Manila na mag stay pero lagi lang tumatanggi ang Lola niya.

Kung ganito nga naman ka payapa, ka simple at kaaliwalas ang paligid mo. Kahit siguro ako, mas pipiliin ko nalang na dito na manirahan. 

"Why you smiling?" Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa aking tagiliran. Nakasakay kami sa Van, na ang Lola niya mismo ang may-ari. Ganoon din ang Driver na inutusan nitong sunduin kami sa Airport. 

"Ang ganda dito, it's like I entered a new world." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Bago ko naramdaman ang paghilig niya sa aking balikat. Kaya naman umayos ako ng pagkakaupo.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ng matanaw ko na ang isang malaking arko, kung saan nakaukit ang pamilyar nilang apelyido.

Welcome to Villa Alcantara

Mas lalong naging mapuno nag paligid, ngunit hindi na kagaya kanina mga nagtataasan ng husto. Karamihan sa natatanaw ko na ngayon puro mga fruit bearing trees.

Hanggang makababa kami ng sasakyan ay umiikot parin ang paningin ko sa mga naglalakihan at naghihitikang puno sa paligid. Natigil lamang ako paamasid ng mapansin ko ang isang matandang babaeng kahit may tungkod ng umaalalay sa knyang paglalakad ay bakas padin ang pagiging strikta at sopistikada.

Bigla tuloy akong na conscious ng dumako ang mga mata nitong mapanuri.

"Lola." Si Silk ang unang bumati at lumapit dito, agad niyang inabot ang kamay ng matandang babae ang magalang na nagmano dito. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin o haos lahat ng naroon maging ang mga taga silbing sumalubong sa amin, na bahagyang nawala ang ngiti sa labi ng matanda. Ni hindi nga din nito tinapunan ng tingin ni Silk, nananatiling nakapako ang tingin niya sa ibaba. 

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon