SE- 32

1.7K 62 7
                                    

32

"Lei...." 

Mahihinang yugyog ang pilit na gumising sa aking mahimbing na pagtulog. Pupungas-pungas akong bumangon at halos naningkit pa ang mga matang tiningnan si Sven na hawak ang aking phone. Nakarehistro doon ang pangalan ng Road Manager namin, agad na sumama ang timpla ko at ako na mismo ang nagcancel ng tawag nito.

Saka ako muling pabagsak na humiga sa malambot niyang kama.

"Are you avoiding them?" 

Hindi ako umimik, gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog. Ngunit ayaw naman ng bumalik ng antok sa aking sistema. Dalawang araw mula ng ilatag nila sa akin ang suhestiyon sa issue na kinasangkutan namin, ay hindi na ako tumawag o nag-abalang pumunta sa Studio. I know I am being immature, at alam ko rin na baka sa oras na ito ay sinasabihan na nila ako ng kung ano ano dahil sa attitude kong ito.

Pero hindi ko kasi kaya iyong gusto nila.

I-deny ang sarili mong Nobyo para sa career mo? Para sa publicity mo? Hindi ba pwedeng hayaan na lang naming mamatay ang issue? I already told them, hindi nalang ako maglalabas ng side ko tungkol diyan. Dahil personal space na namin iyan, isa pa ganoon naman ang ginagawa ng iba diba? Hinahayaan na lang nilang mamatay ang issue? So, bakit pinipilit nilang sabihin ko na hindi totoo ang relasyon namin? Anong point? Besides Silk, already agreed na wag na lang kaming magkomento.

"Is it because of the issue?" 

Nabaling ang tingin ko sa maamong mukha ni Sven, ng humiga rin siya sa aking tabi. Dalawang araw na akong nandito sa Apartment niya. Kahit pa may sarili na akong apartment ay dito parin ako tumuloy, alam ko kasing pupuntahan nila ako roon. Atleast, here I know hindi sila basta basta pupunta sa takot na baka may paparazzi na nakasunod na sa kanila ang makita sila dito. 

"They want me to deny my relationship with you. Gusto nila, sabihin ko that I was dating Silk instead." Napabuga ako ng hininga. Ang bigat lang talaga sa dibdib sa tuwing sumasagi sa isip ko ang ideya hindi talaga kaming dalawa. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at mabining hinaplos ang aking ulo, inilagay niya pa ang ilang hibla ng aking buhok sa aking tenga, dahil humaharang na ito sa aking mga mata.

"Then do it." 

Umawang ang aking bibig. Agad na nag-init ang sulok ng aking mga mata. Hindi ko na rin napigilang bumangon at nagtatakang pinakatitigan siya. 

"Kung para sa career mo, why not? You will just going to deny me. Mas maraming fans niyo ang matutuwa kung malaman nilang Dating, talaga ang status niyo."

"No!" Nanlabo ang aking mga mata. Why is he telling me this now? Dati-rati naman hindi siya ganito. Pero mula ng manggaling siya sa Aklan, paulit-ulit niyang sinasabi na okay lang naman na nalink ako kay Silk. He's been telling me, na ganoon talaga sa industriyang pinasok ko. "Bakit ba pinipilit mo akong sundin sila? I told you I won't do it. Silk and I agreed na wag nalang mag comment doon?"

"Alexa--"

"--Are you mad because hindi kita nasundo sa Airport?" Putol ko sa kanya. Aminado naman akong talagang nawawalan ako kadalasan ng oras sa kanya. Ngunit pinipilit ko namang punan iyon. 

"No. No. Of course not!" Umalis na rin siya sa pagkakahiga at marahan akong hinigit payakap sa kanya.

"Eh, bakit ba pinagpipilitan niyong gawin ko yun?" 

"Lei." sinapo niya ng magkabilang kamay aking mukha. "I told you, para sa iyo lahat gagawin ko. Para sa pangarap mo, para sa kaligayahan mo, lahat. Even If I have to become your ghost BF. Okay lang sa akin. Wag mo lang kakalimutan na nandito lang ako palagi sa likod mo, na nandito lang ako lagi para suportahan. Kasi, Mahal kita. Mahal na mahal kita." 

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon