22Tahimik kong pinagmasdan si Sven habang tinotono niya ang gitarang ako mismo ang nagregalo sa kanya. Nakaupo ako sa couch at siya naman ay nasa kanyang kama. Kanina ko pa tinatawagan si Anee ngunit unattended ang phone niya. Mula kaninang pagdating niya sa party hanggang sa umalis siya ay hindi ko na siya nakausap pa, sinubukan ko naman siyang habulin kanina ngunit pinigilan ako ni Sven.
Hindi ko napigilang mapabuntong hininga, dahilan para lingunin niya ako at tumigil sa pagtotono sa gitara.
"Lei? Are you okay?"
Binaba niya ang gitara sa higaan at lumapit sa akin, naupo siya sa aking tabi at kinulong ang aking kamay sa kanyang mga palad.
"Nag-aalala ako kay Anee. Hindi ko siya ma contact."
"Try to contact her tomorrow. I'm sure sarado pa ang isip niya at masama pa ang loob non. Hayaan na muna natin siya."
Tumango ako at inihilig ang ulo sa kanyang balikat. Hindi ko alam na magiging ganito pala kabigat sa pakiramdam kapag alam mong may mga taong hindi naging masaya sa desisyong pinili mo. Masakit pa ay, malalapit sila sa puso mo. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Anee sa totoo lang, pakiramdam ko kasi ipinagpalit ko ang pagkakaibigan namin para lamang sa relasyong ito.
"What are you thinking right now?"
"I'm thinking about Anee, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat ng ito, ng hindi niya iniisip na ipinagpalit ko iyong pagkakaibigan namin. Iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ng para maintindihan niya na hindi ko intensiyong saktan siya, na hindi ko naman sinasadyang mahulog sa'yo."
"Lei." Umayos siya sa pagkakaupo at hinarap ako. "Anee is your Best friend right? She will understand this soon enough. Just give her time, don't rush her. Maiintindihan din niya ito sa tamang panahon."
Tumango ako at hinaplos ang kanyang pisngi. I never knew that he has a beautiful green eyes. Ngayon ko lang kasi nagtitigan ng husto ang mga mata niya, dahil madalas ay iniiwasan kong salubungin ang kanyang mga tingin niya, sa takot ko noon na baka mapansin ni Anee ang relasyon namin. "I love you."
Umawang ang kanyang bibig na akala mo ay may narinig na nakakagulat. Hindi rin nakaligtas sa akin ang biglang pamumula ng magkabilang pisngi niya, bago ako biglang niyakap at sumiksik sa aking leeg.
"I love you." bulong niya tapos ay mahinang nagmura. "Tangna ganito pala feeling ng kinikilig."
Hindi ko napigilang malakas na mapatawa. Well, it's my first time saying i love you, sa harap niya mismo.
-----------------------------
Tanghali na ng magising ako kinabukasan, pasado alas onse na ata ng gabi ng ihatid ako ni Sven dito sa dorm. Pupungas-pungas akong napabangon ng makarinig ng kung anong ingay mula sa banyo.
"Kat? Are you okay?"
Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok na tumabing sa aking mukha, saka agad na dinaluhan ang kaibigan na nakayukyok sa mismong inidoro at panay ang duwal.
"I'm fine, may nakain lang siguro akong nakasama sa sikmura ko." Umalis siya sa pagkakayukyok doon at umayos ng upo.
"Tubig gusto mo?" Agad siyang tumango sa akin, mabilis akong tumayo at naglakad patungo sa water dispenser na nasa gilid ng maliit naming lamesa. "Here, inumin mo." inalalayan ko siyang tunggain ang baso, dahil nanginginig pa ang mga kamay niya.
"Can you help me to get up?"
"Sure." Bitbit ang baso sa kabilang kamay ay inalalayan ko naman siyang makatayo. She looks so pale, pinagpapawisan pa siya ng malamig. "Pumunta na kaya tayo sa clinic sa baba?"
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...