18Mag aalas kuatro na ng hapon ngunit wala pa si Sven. Kanina pa panay ang tingin ko sa pambisig na relo, habang hinihintay siya dito sa loob ng lugar kung saan kami magkikita. Kanina pa rin ako nagtetext, pero wala siyang reply kahit na maiksing salita.
Umayos ako sa pagkakaupo tumitig sa aking cellphone. Halos mag-iisang oras na siyang late. Should I call him?
Muli kong ini-unlock ang screen ng phone ko at nagsimulang muling magtype ng text sa kanya nang bigla na lamang may kumalabit sa aking balikat."Hey." I smiled at Ella, isa sa mga classmate ko. Halos pabagsak siyang naupo matapos maghila ng upuan sa aking tabi. She actually looks so frustrated. "You okay?" Hindi ko mapigilang tanong.
"Well, kanina okay ako. But after my cousin's wedding singer suddenly backed out. I don't think so." Napabuga siya ng hangin at halos mapadukdok na sa mesa.
"Then find another one then, palitan mo."
"So easy to say Alexa, problem is...Bukas na ang kasal ng Pinsan ko."
Napatitig ako sa problemadong mukha niya. "Do you want me to help you?" Pinatong ko ang aking siko sa ibabaw ng mesa at nangalumbaba sa kanyang harapan, agad naman siyang napakunot noo sa akin, na para bang hindi ata kapani-paniwala ang aking sinabi.
"Paano mo ako tutulungan? May kilala ka bang Wedding Singer? Or Kahit hindi na Wedding Singer basta yung magaling kumanta."
"I can sing for your Cousin's Wedding." I said in a matter of fact tone.
"Marunong kang kumanta?" Namimilog ang mga matang aniya sa akin, at ilang beses pang napakurap. Wow, Choir ako sa University tapos hindi niya alam na marunong akong kumanta?
"Member ako ng Choir sa University di ba?" Ngumuso ako at sumandal sa aking upuan, saka muling sumulyap sa aking cellphone upang i-check ang oras. Alas Kuatro imedya na. Wala pa rin akong Sven na nakikitang pumapasok sa entrada nitong Krispy Kreme.
"No offense meant, pero hindi naman kasi lahat ng Member ng University Choir sa atin, magagaling kumanta. Marunong Oo, pero iba kasi talaga kapag yung mga bihasa na at magagaling talaga."
Ay wow? Hindi ko napigilang mapataas ang kilay sa kanyang sinabi. Alam ko namang kaya kong kumanta at alam ko din ang kapasidad ng boses ko, pero bakit parang naoffend yata talaga ako ng sobra. "Well, ikaw ang bahala. Hindi naman ako ang maiistress sa paghahanap ng Singer at sasakit ang ulo bukas." Inayos ko na ang aking gamit at nagpasya ng tumayo. Tatawagan ko na lang si Sven paglabas ko dito.
"Teka, Alexa." Agad niya akong pinigilan sa braso at parang maiiyak na matatawang nagbuga pa ng hangin. "Sige na nga. Basta wag mo ako ipapahiya bukas ah?"
"Eh, teka paano nga pala ang payment?"
"Bukas, right after ng Ceremony sa Church ibibigay ko sa iyo or o kaya naman kahit sa Reception. Okay lang ba?"
"Anong oras ba?"
"Alas nuebe ng Umaga dapat ready kana at nasa simbahan na. Eleven kasi ng umaga ang mismong Ceremony, i-orient lang kita saglit bukas doon. Para wala tayong maging problema. Tapos send ko sa iyo thru messenger iyong mga songs na kakantahin mo bukas at saka iyong exact location ng church or much better susunduin kita bukas sa Dorm mo?"
"Sige bukas sunduin mo nalang ako."
Matapos magpaalam ni Ella sa akin at siya naman ang tuluyang nang-iwan sa akin ay muli kong tinext si Sven. Akalain mo iyon, naghintay ka lang sa late mong Boyfriend nakasideline kapa.
------------------
Gaya ng inaasahan ko. Naudlot ang pagkikita namin. Sven texted me that something came up kaya hindi siya makakarating, kaya ang ending umuwi akong mag-isa sa dorm. And as usual wala na naman doon ang pinsan kong siya ring ka roommate ko.

BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...