SE-8

6.6K 154 21
                                    


Eight

-------------------------

"You're late."

Tumahip ang aking dibdib habang nakatitig sa gwapong mukha niya. Nakatayo siya sa labas ng Dormitory namin habang nakasiksik ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng jacket niya.

He's wearing a hoodie enough to hide his whole face.

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya sumagot, ngunit agad siyang lumapit sa akin at bahagya akong hinigit sa aking siko, habang marahan akong itinutulak papasok ng Dorm. Agad akong napalinga sa paligid if there's someone na pwedeng makakita sa amin. Not that Men are not allowed sa Dorm namin, ayoko lang machismis.

"Where's your key?" Aniya at huminto sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Wait. Alam niya kung saan ang room ko?

Salubong ang kilay na sinulyapan ko siya. And he just gave me an arch look.

"Where's your key?"

Dumukot ako sa aking bag at ako na mismo ang nagbukas ng pinto. I was about to open the door ng may maalala ako. "Wait!" Agad kong kinabig pasara ulit ang pinto. Shit may kasama nga pala ako dito!

"Kung iniisip mo yung room mate mo. Calm down okay? wala siya dyan. Umalis siya kanina." At siya na mismo ang nagbukas nito. Matapos akong hawiin sa pinto.

Walang modo.

"Nice room." Iniikot niya ang tingin sa buong paligid. "Pero masyado naman yatang maliit ito para sa dalawang tao?" Naglakad siya papunta sa double deck na higaa, At naupo roon.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Gusto ko ng mag back out sa deal natin." Bigla ay sabi niya. Automatikong napatanga ako sa kanya.

"Deal? Natin?"

"Yep." Pinagsalikop niya ang mga palad at diretso akong tinitigan sa mata. Pakiramdam ko tuloy nahirapan akong huminga at may nagsisimulang mabuong bara sa lalamunan ko. Lord naman. Why is he staring me like that?

"Okay lang, edi mag back out kana." I dont need your help naman na. Nag iwas ako ng tingin. Damn, I sound like a bitch user. Kahit hindi naman talaga iyon ang ibig kong iparating.

"Aren't you going to ask me, bakit gusto ko mag back out?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Why should I? It's your decision, labas na ako dyan."

"Really, labas kana? Kahit ikaw naman talaga mismo ang dahilan?"

Umawang ang bibig ko. Alam ko namang may kakaiba. Sa mga tingin niya, sa kilos niya, sa mga sinasabi niya. I just want to ignore it. Kasi hindi pwede.

"Sven, please. Umalis kana. Gusto ko ng magpahinga." Although to be honest hindi ko alam kung makakatulog ba ako ngayong gabi.

"I like you, I really do. I'm attracted to you. And we both know, ganon ka rin sa akin."

Marahas akong napalingon sa kanya kasabay ng sunod sunod na lagabog ng dibdib ko. Was I really that obvious? "P--Pinagsasasabi mo!?"

"C'mon, Lei? Maglolokohan pa ba tayo?" Tumayo siya at humakbang papunta sa akin na ikinaatras ko. "We're attracted to each other, so why don't we just step to the next level, right?"

Akala ba niya ganon kadali? "You have Anee and she's my bestfriend."

Nagpatuloy siya sa paghakbang. "And so? She's not my girlfriend?"

"I care for Silk, and he's your Brother." Umatras ulit ako.

"And still he's not your Boyfriend." Humakbang ulit siya. And now I'm trapped between him and the table. "Bakit pinoproblema mo yung hindi naman talaga problema?"

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon